KTV bar pinasabugan; 1 patay, 17 sugatan | Bandera

KTV bar pinasabugan; 1 patay, 17 sugatan

John Roson |January 01,2018
facebook
share this

KTV bar pinasabugan; 1 patay, 17 sugatan

John Roson - January 01, 2018 - 08:05 PM
Isang tao ang nasawi at di bababa sa 17 pa ang nasugatan nang sumambulat ang di pa mabatid na uri ng pampasabog sa isang KTV bar sa Tacurong City, Sultan Kudarat, nitong bisperas ng Bagong Taon, ayon sa pulisya. Naganap ang pagsabog alas-11:05, bago ang selebrasyon sa pagsalubong sa Bagong Taon, sabi ni Chief Insp. Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng Central Mindanao regional police. Naganap ang insidente sa Villa Garde KTV bar, na nasa bahagi ng National Highway sa Brgy. Buenaflor, aniya. Labing walo katao ang naitalang tinamaan ng pagsabog at isa sa kanila’y idineklarang dead on arrival sa ospital, ani Gonzales, gamit bilang basehan ang inisyal na ulat na nakarating sa kanyang tanggapan. Inaalam pa ng lokal na pulisya kung anong uri ng pampasabog ang sumambulat ang kung sinong nasa likod ng insidente, aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending