Alden game na game gumawa ng pelikula kasama si Kris: Kung bibigyan ng chance, sana matuloy! | Bandera

Alden game na game gumawa ng pelikula kasama si Kris: Kung bibigyan ng chance, sana matuloy!

|December 31,2017
facebook
share this

Alden game na game gumawa ng pelikula kasama si Kris: Kung bibigyan ng chance, sana matuloy!

- December 31, 2017 - 12:05 AM

GAME na game ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa suggestion ni Kris Aquino na magkaroon sila ng pelikula o teleserye together.

Ayon kay Alden, kung mabibigyan ng chance, very willing din siyang gumawa ng isang proyekto kasama ang Queen of All Media.

Sa nakaraang thanksgiving/post-Christmas party ng binata para sa mga kaibigan niya sa entertainment media, kinunan namin siya ng reaksyon sa sinabi ni Kris na gusto nitong magsama sila sa isang project.

Ayon kasi sa bagong Queen of Social Media, “Certified @aldenrichards02 fan! I was thrilled to see a thank you text from him because he must have gotten word about all i said in the Merienda w/ Kris we uploaded.

“Work wish for 2018- to play Alden’s mom in a project. Hopefully a drama w/ a bit of realistic funny moments exploring the love & complexities of a single mom & her grown up son… just me imagining Bimb & me 15 years from now…

“Di na ko mahihiya, libreng mangarap so i’m tagging @annettegozon of GMA FILMS & @gmanetwork.”

Sagot naman ni Alden, “Wow! Nakakahiya naman kay Ms. Kris. Nabasa ko nga yung mga sinabi niya. Sa akin okay na okay ako, kung mabibigyan ng chance why not? Sana matuloy!”

Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta sa posibleng pagsasama nina Tetay at Alden sa isang proyekto ng GMA, lalo na ang mga followers ng Pambansang Bae na matagal nang naghihintay ng follow-up project niya sa big screen.

May mga nag-suggest pa nga ng mga tema at kuwento na babagay daw kina Kris at Alden. Pwede raw silang maging magnanay at pwede ring mag-ate na namatayan ng mga magulang at daraan sa matitinding pagsubok.

Pero kung may nga na-excite at natuwa sa balitang ito, meron ding nam-bash kay Kris. May isa pang nagkomento na “majonda” (matanda) na raw ang mommy nina Joshua at Bimby at alagaan na lang daw niya ang mga anak niya.

“Sus naman kris alaga ka na lang ng anak mo! After ng kwento mo na nag propose si Bistek sayo si Alden nmn! Naka ilang lalaki ka na ba? Tama majonda ka na!” pang-ookray ng basher.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mahinahon naman itong sinagot ni Kris ng, “And you must really have low comprehension skills- I said my dream project was to PORTRAY HIS MOTHER. Please read before you bash me. Because I don’t mind intelligent criticism but i take offense at poor comprehension.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending