Politiko matapang nga pero sukdulan naman ang kakuriputan; namigay ng P20 na pamasko | Bandera

Politiko matapang nga pero sukdulan naman ang kakuriputan; namigay ng P20 na pamasko

Cristy Fermin - December 31, 2017 - 12:15 AM

 

KAPAG walwal na ang mga manggagawang Pilipino ay kumakabyos na ang kanilang dila sa pagkukuwento. Pinagpistahan sa Christmas party ng isang departamento ng gobyerno ang isang kilalang-kilalang pulitiko sa pagiging matapang.

Kung makapagsalita kasi ang pulitikong ito ay parang wala nang bukas, patay kung patay kung makipagbangayan siya sa kanyang mga kapwa pulitiko, kaya maraming natatakot para sa kanya.

Baka nga naman kasi isang araw ay matagpuan na lang siyang kasinglamig na ng yelo, pero hindi alam ng kanyang mga kakampi kung sino ang tumigok sa kanya, dadaanin daw ‘yun sa multiple choice dahil sa dami ng kanyang mga kalaban.

Pero hindi ‘yun ang magandang kuwentong pinagpistahan tungkol sa matapang na pulitiko kundi tungkol sa kanyang bulsa na may susi. Ang wallet daw ng pulitiko ay may garter. In short, kuring si sir, walang kasingkuripot.

Kuwento ng isang source sa umpukan, “Di ba, uso kapag Pasko ang pagbibigay ng sobre ng mga manggagawa sa opisina ng mga pulitiko? May mga janitor, may basurero, may mga cleaners ng mga kuwarto, tig-iisang sobre ang iniiwanan nila sa mga pulitiko.

“Namumukod-tangi si ____ (pangalan ng matapang pero super-kuripot na lalaking personalidad) sa lahat. Binigyan lang kasi niya ng budget ang isang staff niya, ‘yun daw ang paghahati-hatian sa lahat ng mga nagbigay sa kanila ng sobre.

“Namamasko ang mga nag-iwan sa kanila ng sobre, ha? Minsan sa isang taon lang namang ginagawa ‘yun ng mga kasamahan nila sa building. Minsan lang naman ang Pasko, kaya kahit naman sana paano, e, mag-share ng magandang blessing ang matapang na pulitiko.

“Dumating na ang awards night, ginetlak na ng mga nag-iwan ng sobre ang donasyon ng pulitiko para sa kanilang Christmas party.

“Dyaraaaaaannnn!!!! Pag-open sesame nila sa mga sobre, tumataginting na beinte pesos ang laman ng bawat isa! Blessing din naman ang twenty pesos, pero naman!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kahit toothpick, e, hindi mabibili ng ibinigay niyang halaga. Nakakaloka talaga ang kakuringan ng matapang na pulitikong ‘yun!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong getlak n’yo na kung sino ang pulitikong ito. May Thrilla In Manila ba uli?” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending