Blackwater pinutol ang jinx vs Rain or Shine | Bandera

Blackwater pinutol ang jinx vs Rain or Shine

Angelito Oredo - December 29, 2017 - 10:38 PM


MASAYANG sasalubungin ng Blackwater Elite ang Bagong Taon matapos na tuluyang putulin ang jinx kontra sa Rain or Shine sa pagtakas ng 92-87 panalo sa kanilang 2017-18 PBA Philippine Cup game Biyernes sa Cuneta Astrodome.

Binalewala ng Elite ang 67-72 pagkakaiwan sa ikaapat na yugto para agawin ang 81-79 abante, limang minuto pa sa laro, tungo na sa pagputol nito sa 10 sunod na kabiguan nito kontra sa Elasto Painters at baunin ang una nitong panalo sa unang kumperensiya ng liga.

Hindi pa natatalo ng Elite bago pa ang laro ang Elasto Painters sa kanilang 10 beses na paghaharap simula pa noong Governors’ Cup.

Sinandigan ng Elite ang nagbabalik na si Mac Belo na nagtala ng 25 puntos, 7 rebound at 2 block habang nag-ambag si Michael Digregorio ng 23 puntos, 3 rebound at 4 assist gayundin ang rookie na si Raymar Jose na may 12 puntos at 8 rebound.

Naghulog ang nagtamo ng knee injury na pumigil sa tsansa nito sa Rookie of the Year award na si Belo ng limang three-pointers tampok ang pinakahuli sa krusyal na huling dalawang minuto upang tuluyang biguin ang Elasto Painters.

Ang panalo ay nagtulak sa Elite sa pagsalo sa Elasto Painters sa 1-1 panalo-talong kartada at itala ang kanilang unang panalo sa 12 paghaharap kontra Rain or Shine.

“We hope this win before the New Year will boost our campaign,” sabi ni Elite coach Leo Isaac. “Our defense had to hold against the firepower of Rain or Shine, and indeed, we were able to sustain the defense we wanted and on the winning end, we were able to convert the big shots.”

Hindi nakasama ng E-Painters ang mga injured na sina Jericho Cruz, Jay Washington at Jireh Ibanes gayundin ang playmaker nito na si Maverick Ahanmisi na hindi agad nakabalik mula sa US matapos makipagdalamhati sa pagkawala ng kanyang lolo.

Ang iskor:

BLACKWATER 92 – Belo 25, Digregorio 23, Jose 12, Maliksi 10, Erram 9, Pinto 7, Sumang 5, Sena 2, Cortez 0, Marcelo 0, Javier 0

RAIN OR SHINE 87 – Tiu 14, Norwood 13, Daquioag 13, Almazan 10, Maiquez 9, Belga 7, Borboran 6, Yap 5, Trollano 4, Ponferada 2, Nambatac 2

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Quarterscores: 28-25, 47-44, 65-64, 92-87

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending