Miguel Tanfelix umakyat ng bundok para makapag-recharge | Bandera

Miguel Tanfelix umakyat ng bundok para makapag-recharge

Ervin Santiago - December 29, 2017 - 12:25 AM

MIGUEL TANFELIX

SABI nila, the New Year brings in positivity dahil may pagkakataong magmuni-muni ang mga tao bago matapos ang taon.

At ito nga ang ginawa ng Kambal Karibal lead actor na si Miguel Tanfelix, sa pamamagitan ng pag-akyat ng bundok.

Ayon sa Kapuso teen actor, kailangang bigyan natin ang sariling mag-reflect at balikan ang nagdaang taon para isipin ang mga dapat baguhin sa ating buhay.

Kasama ang ilang kaibigan, inakyat ni Miguel ang Mt. Nagpatong sa Batangas, at kita sa mga posts niyang naging maganda ang dulot sa kanya ng pamumundok.

Kaya sa pagpasok ng 2018 ready na uli ang binata to start fresh. Sabi nga ni Miguel, sa kanyang pagbabalik feeling recharged na siya sa muling pagsalang sa taping ng Kambal Karibal with her ka-loveteam Bianca Umali. Napapanood pa rin ang Kambal Karibal sa GMA Telebabad after Super Ma’am.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending