Bong magbabalik sa mundo ng showbiz...sa tamang panahon | Bandera

Bong magbabalik sa mundo ng showbiz…sa tamang panahon

Reggee Bonoan |December 29,2017
facebook
share this

Bong magbabalik sa mundo ng showbiz…sa tamang panahon

Reggee Bonoan - December 29, 2017 - 12:15 AM

BONG REVILLA

TATLONG taon nang nagse-celebrate ng Pasko sa Camp Crame si ex-Sen. Bong Revilla. Kasama naman niya roon ang mga anak at asawang si Bacoor Mayor Lani Mercado.

Pero ngayong 2017 ay nakauwi na ng bahay nila si Bong dahil binigyan siya ng Christmas furlough ng korte para makasama ang buong pamilya sa loob ng 10 oras nitong Dis. 24.

Larawan ng masayang pamilya ang Bautista at Revilla base sa litratong ipinost ng dating senador sa kanyang social media account.

“Merry Christmas to everyone! Isa na po ito siguro sa pinakamagandang pasko sa aking buhay. Dahil sa Biyaya ng Panginoon, matapos ang tatlong kapaskuhan, nabigyan ako ng pagkakataon na muli itong salubungin kasama ang aking pamilya, at kayo, mga minamahal kong kababayan, sa labas ng piitan.

“Kahapon ko lang naramdaman ang matinding pangungulila sa mga nakalipas na taon, nang muli ninyong iparamdam sa akin ang inyong patuloy na pagmamahal at suporta.

“Hindi ko mailagay sa salita ang pag-uumapaw ng galak at pasasalamat sa sidhi at init ng inyong pagyapos at pagtanggap sa akin makalipas ang halos 4 na taon. In the very short amount of time I was allowed to spend outside jail with you, nakita ko na napakarami ng nagbago.

“Kaya lalo po akong na-touch na sa kabila nito, hindi nagbago ang pagtingin at pagmamahal ninyo sa akin. Ganundin po ako sa inyo. God is very good! Patuloy tayong magtiwala sa Kanyang kadakilaan at galing. I love you all so much. Tunay na Maligayang Pasko po sa ating lahat!” ang mahabang mensahe ng aktor-politiko.

In fairness, parang hindi naman nakulong si Bong dahil guwapo at maganda pa rin ang kanyang katawan. At naniniwala kaming darating din ang tamang panahon ng pagbabalik niya sa showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending