Posibleng mayroong bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa Enero 2018. Pero kung ito ay magiging super typhoon gaya ng kumakalat sa Facebook ay mahirap pa umano itong matukoy. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration batay sa isinagawa nitong weather analysis mayroong hanggang isang bagyo na maaaring pumasok sa PAR tuwing Enero. “Based on historical records, it is normal for the month of January to have 0-1 tropical cyclone. But, predicting the tropical cyclone intensity to reach super typhoon category for more than 1 week ahead has a very high uncertainty. The atmosphere is very dynamic hence constant monitoring is necessary,” saad ng PAGASA. Pinaalalahanan ng PAGASA ang publiko na maging maingat sa pagpapakalat ng mga impormasyon kung wala itong katiyakan upang hindi magdulot ng pangamba sa publiko. “The general public is advised to be more careful, verify information and listen only to right authority so as not to cause panic. Furthermore, everyone is advised to access only the official information from PAGASA.” Mahigit 100 na ang namatay sa pananalasa ng bagyong Vinta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.