NIYANIG ng 4.4 magnitude na lindol ang lalawigan ng Quezon kagabi, habang naramdaman din ang lindol sa ilang bahagi ng Metro Manila, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naitala ang pagyanig alas 7:05, at epicenter ay 40 kilometro hilagang-silangan ng Polilio.
Naramdaman ang Intensity III sa Quezon City at Infanta sa Quezon, habang Intensity II ay naitala naman sa Makati City, Taguig City at Muntinlupa City.
Ayon sa Phivolcs, may lalim ang lindol na limang kilometro.
Walang naiulat na nasugatan o nasira sa nasabing pagyanig, habang isinusulat ang balitang ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.