HOV lane policy epektibo pa rin bagamat wala pang hinuhuli-MMDA
SINABI ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na tuloy pa rin ang ipinapatupad na high-occupancy vehicle (HOV) lane policy sa Edsa.
Niliwanag naman ni MMDA assistant general for planning Jojo Garcia na hindi pa rin nanghuhuli ng mga lumalabas sa polisiya.
“Hanggang ngayon, dry run pa rin para makita kung effective,” sabi ni Garcia.
Idinagdag ni Garcia na walang plano ang MMDA na hindi ituloy ang implementasyon nito sa kabila ng mga aberya.
“Kahit wala kaming thermal cameras, kahit kulang kami sa enforcer, ito ay hindi dahilan para itigil ang trabaho. We maximize our equipment and manpower para mapatupad,” ayon pa kay Garcia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.