5 minasaker ng NPA | Bandera

5 minasaker ng NPA

John Roson - June 19, 2013 - 03:08 PM

MINASAKER ng mga umano’y rebeldeng New People’s Army ang limang manggagawa ng isang plantasyon sa Esperanza, Agusan del Sur, kahapon ng umaga.

Ang mga nasawi ay mga empleyado ng Sienna Lyn Corp. sa Brgy. Remedios, ayon kay Maj. Leo Bongosia, tagapagsalita ng Army 4th Infantry Division.

Dumating ang di pa mabatid na bilang ng rebeldeng sakay ng dalawang trak at sinimulang sunugin ang mga equipment ng kompanya alas-9:30.

“They (rebels) burned, initially, mga limang heavy equipment, to include tractors, and then left five dead at the area,” sabi ni Bongosia nang kapanayamin sa telepono.

“Binaril ang mga ito, may nasagap din ako na information na may mga matatanda na, so dini-determine namin ngayon kung bakit dinamay pa ‘yung mga matatanda na,” sabi ng opisyal nang tanungin kung paano nasawi ang mga biktima.

“Ang nakikita namin dito is extortion ito na di napagbigyan. Simpleng extortion ito na di napagbigyan ang NPAs,” aniya.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending