Masusubok ang San Miguel Beermen | Bandera

Masusubok ang San Miguel Beermen

Barry Pascua - December 17, 2017 - 12:02 AM

BILLY Mamaril, Chico Lanete at Louie Vigil kapalit nina Jay-R Reyes, Ronald Tubid at Kevin McCarthy?
Puwede na ba?

Puwede na siguro.

Kahit paano ay mas experienced naman si Mamaril na nakapaglaro rin sa Barangay Ginebra bago nalipat sa Globalport. Actually nagsimula siya sa Purefoods.

Si Lanete ay dati ring manlalaro ng Purefoods at kung saan-saan na rin naman nakapaglaro. At gaya ni San Miguel Beer coach Leo Austria siya ay produkto ng Lyceum of the Philipines University. So, they have something in common.

Si Vigil ang tanging rookie na naidagdag ni Austria sa kanyang lineup. Ang guwardiya na taga University of Santo Tomas ay napili ng Beermen sa second round.

Actually, ang first round pick ng Beermen na si Christian Standhadinger, isang 6-foot-7 Fil-German na napili No. 1 overall, ay hindi pa makakasama ang tropa sa Philippine Cup na magsisimula mamaya sa Smart Araneta Coliseum. Ito ay dahil sa naglalaro pa siya sa Hong Kong sa ASEAN Basketball League.

Baka sa Commissioner’s Cup pa siya magiging available.

Pero three out, at three in, So wala naman nawala sa San Miguel Beer. Ganoon pa rin naman ang lakas ng Beermen.

Baka kahit paano ay medyo lumakas pa. Kasi naman ay hindi nagagamit si Reyes, Paminsan-minsan lang ipinapasok si Tubid na hindi na rin naman bumabata. Pero kahit paano ay nakapagbibigay ng magandang quality time lalo na sa depensa.

At si McCarthy, na isang rookie noong nakaraang taon, ay nanatili lang sa bench at halos hindi nagamit. Baka nga hindi pa ito nakalimang games sa kabuuan ng season.

So itatawid lang ni Austria ang Beermen sa Philippine Cup kung saan asinta nila ang ikaapat na sunod na titulo. Bale record iyon kung sakali.

At sa Commissioner’s Cup ay kasama na nila si Standhardinger. Dito ay makikita na ang tunay na lakas ng Beermen dahil sa mayroon pa silang import. Malamang na pabalikin si Charles Rhodes na tumulong na magkampeon noong nakaraang season.

Sakaling makadalawa ang Beermen, natural na hahabulin na talaga ni Austria ang Grand Slam na nakaalpas sa kanyang kamay noong nakaraang season.

Iyon na lang ang karangalang hindi pa niya naisasakatuparan.

Pero hindi naman magiging madali ang misyong ito. Kasi mas determinado ang mga ibang koponan na pigilan ang Beermen.

Sa totoo lang, sa Philippine Cup pa lang ay masusubok na nang husto ang kanilang kakayahan.

Mamaya lang ay baka magdelikado na sila sa Phoenix Fuel Masters na ngayon ay nasa ilalim ng bagong coach na si Louie Alas. Alam naman natin ang tindi ng depensa ni Alas mula pa noong nasa Letran College siya hanggang sa Alaska Milk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matitiyani nang husto ang Beermen!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending