Walang trabaho kumonti-SWS | Bandera

Walang trabaho kumonti-SWS

Leifbilly Begas - December 14, 2017 - 07:34 PM

Mga Pinoy na naghahanap ng trabaho

Bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho, ayon sa survey ng Social Weather Stations.

    Sa survey na isinagawa noong Setyembre, naitala sa 18.9 porsyento ang mga walang trabaho, mas mababa sa 22.2 porsyento na naitala sa survey noong Hunyo.     Sa 18.9 porsyento, 10 porsyento ang boluntaryong umalis sa trabaho, apat na porsyento ang hindi na-renew ang kontrata, dalawang porsyento ang hindi pa nararanasang magtrabaho, dalawang porsyento ang naalis sa trabaho at isang porsyento ang nagsara ang pinapasukan.     Bumaba naman ang mga umaasa na darami ang mapapasukang trabaho sa susunod na taon. Mula sa 31 porsyentong net ay bumaba ito sa 28 porsyento.     Naniniwala ang 45 porsyento na darami ang mapapasukang trabaho sa susunod na 12 taon, 27 porsyento ang naniniwala na walang magbabago at 18 porsyento ang mababawasan ang mapapasukang trabaho. Hindi naman alam ng 10 porsyento kung madaragdagan ang mapapasukan o hindi.     Ginawa ang survey mula Setyembre 23 hanggang 27. Kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending