Bakit palaging palpak si Justice Sec. Aguirre? | Bandera

Bakit palaging palpak si Justice Sec. Aguirre?

Ramon Tulfo - December 14, 2017 - 12:10 AM

LAHAT ng commissioners at chairman ng Presidential Commission for Urban Poor (PCUP) ay sinibak dahil sa mga junkets o paglalakbay sa ibang bansa na gastos ng gobyerno.

Napakaraming junkets diumano ang inatupag nina Chairman Terry Ridon at ng mga commissioners na sina Melissa Aradanas, Joan Lagunda, Manuel Serra Jr. at Noel Indonto.

Ang kakapal naman kasi ng pagmumukha ng mga nabanggit na opisyal.

Naghihirap ang bayan pero sila pasarap nang pasarap.

Belat, buti nga sa inyo!

Pero teka muna! Lahat ng foreign trips ay dapat inaaprubahan ng Office of the Executive Secretary.

Dahil inaprubahan niya ang foreign trips, dapat ay sibakin din si Executive Secretary Bingbong Medialdea.

Inutil na opisyal itong si Medialdea.

Bukod sa napakakupad kumilos dahil matabang-mataba, siya’y madaling makatulog kapag naupo na.

Kapag may nasandalan ang kanyang likod, tulog agad si Bingbong.

 

***

Aba’y hindi lang ang mga opisyal ng PCUP ang mahihilig mag-junket.

Napakarami po nila sa administrasyon ni Pangulong Digong.

Dapat ay usisain ni Digong ang iba pang mga opisyal sa kanyang administrasyon.

 

***

Binibitin ni Ronald “Bato” dela Rosa, hepe ng Philippine National Police (PNP), ang publiko kung saan siya ilalagay ng Pangulong Digong kapag nagretiro na siya sa police service.

Sa Enero magreretiro si Bato.

Nagbigay ng hint si Bato kung saan siya ilalagay.

Aniya, ito’y isang puwesto na napakahirap at ang mga nalagay rito ay sinibak dahil di sila nakapasa.

Sasabihin ko na kung saan ilalagay si Bato para wala nang hulaan ang publiko, lalo na ang aking mga readers: Siya’y hihirangin na director ng Bureau of Corrections (BuCor).

At huhulaan ko sa inyo: Hindi papasa si Bato gaya ng mga nauna sa kanya na kanyang siniraan.

Kung hindi nga niya madisiplina ang PNP, paano niya madisiplina ang mga pinakawalang-kuwentang tao ng lipunan at ang mga guwardiya nito?

Ang BuCor director ay para sa isang taong napakatapang at napakatalino; wala kay Bato ang dalawang katangiang nabanggit.

 

***

Kinokontra ko si Bato sa sinabi niya na lahat ng mga na-appoint na BuCor director ay sinibak dahil nagkulang sila.

Hindi lahat, may exception: Si Vicente Vinarao.

Isang retired two-star police general itong si Vinarao at dalawang beses siya inappoint sa puwesto:

Una, noong panahon ni Pangulong Ramos; pangalawa, noong panahon ni Pangulong Gloria.

Noong panahon ni Vinarao, lahat ng guwardiya at preso ay tumino. Yung mga pasaway ay nawala na parang bula o kaya ay napatay sa “riot” o “rumble.”

Si Vinarao kasi ay pinakamagaling na naging hepe ng Intelligence and Special Operations Division (ISOD) ng Western Police District (WPD), na ngayon ay Manila Police.

Alam ko ang pinagsasabi ko dahil noong siya’y ISOD chief mga dekada 70 at 80, ako’y police reporter na naka-assign sa WPD.

 

***

Matapos mahirang si Vitaliano Aguirre bilang secretary of justice, pinagtagpo ko siya kay Vinarao upang bigyan siya ng mga tips kung paano patakbuhin ang National Penitentiary o New Bilibid Prisons (NBP), ang pinakamalaking kulungan sa bansa.

Ang BuCor kasi ay isa sa mga bureaus ng DOJ.

Ang kanilang meeting ay nangyari sa Chinese restaurant ng Edsa Shangrila hotel.

Magkaibigan pa kami ni Aguirre noon at gusto ko siyang magtagumpay sa kanyang puwesto.

Pero hindi pinakinggan ni Aguirre si Vinarao kung paano alisin ang mga gagong guwardiya at presong pasaway.

Siguro akala ni Aguirre ay kaya ng kanyang maliit na utak ang mga problema sa DOJ, kasama na yung sa BuCor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tingnan mo ang kanyang pamamalakad sa DOJ ngayon, pala-ging palpak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending