SINABI ng Palasyo na magiging target din ang New People’s Army (NPA) sakaling aprubahan ng Kongreso ang panawagan ni Pangulong Duterte na palawigin pa ng isang taon ang implementasyon ng martial law sa Mindanao.
Sa isang briefing, idinagdag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sakop ng pagpapalawig ng martia law ang lahat ng armadong grupo sa Mindanao.
“Well, for as long as there are acts of rebellion being committed in the island province of Mindanao, yes, he will use the full force of martial law against the NPA as well,” sabi Roque.
Idinagdag ni Roque na inaasahan na rin ang mga engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng NPA.
“Of course, because they were included in the groups engaged in the crime of rebellion which is the basis for the extension of martial law,” ayon pa kay Duterte.
Nakatakda sanang magtapos ang martial law sa Mindanao sa Disyembre 31, 2017.
Pormal nang isinumite ng Palasyo ang sulat ni Duterte na humihiling sa Kongreso para sa isang taon pang pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending