Empleyado ng PCOO iimbestigahan ni Andanar dahil sa pagbanat sa media | Bandera

Empleyado ng PCOO iimbestigahan ni Andanar dahil sa pagbanat sa media

Bella Cariaso - December 10, 2017 - 12:15 AM

ISANG Paul Farol ang bigla na lamang gumamit ng blog para bumanat sa akin at sa Editor-in-Chief ng Bandera at batay mismo sa pagkumpirma ni Communications Secretary Martin Andanar, empleyado siya ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na kanyang pinamumunuan.

Nabuking na taga PCOO si Farol nang biglang dumalo sa briefing ng Malacanang Press Corps (MPC) noong Biyernes at nang tanungin kay Andanar kung bakit ito nasa naroon, sinabi mismo ng Kalihim na nakatalaga ito para dumalo sa press conference ng MPC.

Nang tanungin kay Andanar, nangako siyang iimbestigahan si Farol, maging ang reklamo laban sa Presidential Task Force on Media Security (PTFMS).

“I will check,” sabi pa ni Andanar nang tanungin kaugnay ng alegasyon laban sa empleyado ng PCOO.

Dating alam ng mga opisyal na trabaho lang ng media ang kanilang ginagawa kayat alam nilang dapat na hindi personal kung nababatikos sila sa trabaho.

Pareho pang babae ang binatikos ni Farol sa kanyang blog. Sa ating mga Pilipino, may mali kung pinapatulan ang isang babae lalo pa kung ni minsan ay hindi kayo nagkita at hindi man lang kayo magkakilala.

Harinawa ay seryoso si Andanar na imbestigahan ang ginagawa ng kanyang mga subordinates.

Mismong miyembro pa ng MPC ang binatikos sa blog lalu na at walang rason gawin ito maliban na lamang kung may nag-udyok dito.

Tama ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat maging balat sibuyas ang mga opisyal sa mga batikos sa kanila.

Ang nakalimutan pa ng mga opisyal, hindi sila pinipersonal kung nababatikos ng media.

Kung totoong ginagawa ng ating mga opisyal ang kanilang trabaho dapat ay hindi na maging target ang media sa pagbanat ng mga blogger.

Umaasa rin tayo na hindi mag-bubulagbulagan si Secretary Andanar sa ginagawa ng kanyang mga subordinates.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pareho lang tayong nagtatrabaho at sanay maging bukas ang ating mga opisyal sa mga puna at batikos sa kanila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending