Ilang linggo matapos makauwi galing sa Singapore, naghain ng mosyon si dating Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan Fifth Division upang makabiyahe sa Hong Kong kasama ang kanyang pamilya. Anim na araw ang hiningi ni Estrada mula Disyembre 26. Makakasama niya sa biyahe ang misis na si Precy at mga anak na sina Janella, Jolo, Julian, at Jill. Sinabi ni Estrada na matagal na niyang naipangako na magbabakasyon kasama ang pamilya matapos payagan ng korte na makalabas ng kulungan matapos maglagak ng piyansang P2.6 milyon noong Setyembre 16. “The family trip has long been promised by accused-movant to his family that if allowed by the court all of them will take a holiday trip to a near Asian country — now Hong Kong due to ease of securing flight and hotel bookings,” saad ng mosyon ni Estrada. “After accused-movant was allowed bail, the family (has) been longing for bonding outside of the country. The Christmas holidays would be the most opportune time to have this.” Si Estrada ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel fund scam kung saan tumanggap umano sita ng P183.79 milyon sa mga non-government organization ni Janet Lim Napoles. Kapag pinayagan ay isusumite umano ni Estrada ang itinerary ng kanilang biyahe. Tutuloy umano sila sa Marco Polo hotel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.