Grupo ng reporter na-shock sa ‘regalo’ ni male star | Bandera

Grupo ng reporter na-shock sa ‘regalo’ ni male star

Cristy Fermin - December 06, 2017 - 12:15 AM


NAKAKALOKA ang ginawang pagpipista ng isang grupo tungkol sa isang pamosong male personality na nang magpaulan ng kakuriputan ang langit ay nasambot niya ang lahat-lahat.

Kung maririnig lang sana ng lahat ang sinasabi ng mga nagkukuwentuhan, nakakaloka naman pala kasi ang pagiging kuripot ng kilalang aktor, walang makakakabog sa kanya.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Naku, sobra ang pagkakuripot ng taong ‘yun! Parang takot na takot siyang mawalan ng pera! Grabe ang palad nu’n, saradung-sarado!

“Hiniram nu’ng minsan ng utol niya ang car niya, saglit lang na gagamitin, babalik din agad ang utol niya. Okey naman ‘yun kay _____ (pangalan ng super-kuring na aktor), kaya lang, meron siyang kundisyon.

“Tiningnan niya muna ang gas ng car niya, tinandaaan niya ang guhit, kailangang ganu’n din ang gas ng kotse kapag ibinalik ng kapatid niya.

“Ganu’n siya kahigpit, ganu’n siya kakuring, ganu’n katindi ang kakuriputan niya. Kahit mga kapatid niya, pinagkukuriputan niya,” simulang kuwento ng aming source.

Nagpamigay ng sulat ang isang grupo ng mga reporters sa iba-ibang artista. May schedule na nandu’n, kung okey sa pinagbigyan ay kakanta ang grupo, puwedeng sa bahay nito o sa set ng kanyang serye.

Kuwento ng isa pang nasa umpukan, “Naku, hindi siya kabilang sa mga binigyan ng caroling letter, hinding-hindi, dahil minsan na niyang pinagpakitaan ng kakuriputan ang mga reporters.

“Hindi na nila makakalimutan pa ang ginawa sa kanila ng lalaking ‘yun nu’ng mag-caroling sila sa mismong housing authority niya. Umalis siya nu’ng mismong gabi ng pangangaroling ng tropa sa bahay niya.

“Pero nag-iwan naman siya ng sobre para sa grupo. Ang laman ng sobre, dyaraaaaaaannnn! One hundred pesos! Kulang pang pambayad sa nirentahan nilang van ang ibinigay ng male personality.

“Kaya ang desisyon ng tropa, huwag na siyang bigyan ng caroling letter. Araw-gabi siyang kuripot, kaya ang utos ng lahat, pass na siya sa tatapatang artista ng grupo!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang kailangang clue, talagang siya na nga ‘yun at wala nang iba pa!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending