Rocco, Sanya nakuha ang kiliti ng mga Kapuso | Bandera

Rocco, Sanya nakuha ang kiliti ng mga Kapuso

|December 05,2017
facebook
share this

Rocco, Sanya nakuha ang kiliti ng mga Kapuso

- December 05, 2017 - 12:20 AM

 

SUNUD-SUNOD na ang mga nakagugulantang na kaganapan sa afternoon series ng GMA na Haplos starring Rocco Nacino and Sanya Lopez. Kaya naman pataas pa rin nang pataas ang rating ng programa at laging usap-usapan sa social media.

In fairness, talagang nakuha na nina Rocco at Sanya ang kiliti ng mga manonood, mula nang magsimulang umere ang Haplos ay hindi na sila iniwanan ng kanilang mga loyal viewers. Ayon nga sa isang netizen na hindi pumapalya sa pagtutok sa serye, “Siesta time namin ng asawa ko ang Haplos.

After lunch, talagang wala na kaming gagawin kundi ang tumutok sa GMA, mula sa Eat Bulaga hanggang Haplos na!”

Siyempre, feeling grateful and thankful lagi sina Sanya at Rocco, pati na rin ang iba pa nilang kasamahan sa Haplos kapag nakakabasa at nakakarinig sila ng magagandang komento tungkol sa kanilang teleserye. Kaya ang pangako ng cast at ng buong production, mas pagbubutihin pa nila ang kanilang trabaho para sa kanilang loyal viewers.

Ngayong linggo, siguradong marami na namang pasabog sina Angela (Sanya) at Lucille (Thea Tolentino) na siguradong ikaka-shock ng manonood, lalo na sa karakter ni Sanya. Tutukan din ang mga susunod na eksena nina Rocco at Sanya na ikatutuwa naman ng kanilang mga fans.

Kasama pa rin sa Haplos sina Pancho Magno, Patricia Javier, Celia Rodriguez, Francine Prieto, Isabel Lopez at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending