Kuripot na aktor dedma sa Pasko, walang paki sa mga inaanak | Bandera

Kuripot na aktor dedma sa Pasko, walang paki sa mga inaanak

Cristy Fermin |December 04,2017
facebook
share this

Kuripot na aktor dedma sa Pasko, walang paki sa mga inaanak

Cristy Fermin - December 04, 2017 - 12:15 AM

WALA na nga sigurong makapagpapabago pa sa sobrang kahigpitan ng kamao ng isang male personality. Talagang pinanindigan na niya ang pagiging kuring.

Ginawa na niyang i-mage ang kakuriputan para nga naman ligtas siya sa pagreregalo at pakikipagpatak-patak sa set kung kinakailangan.

Sabi ng kanyang mga katrabaho ay ‘yun na siya, milagro na lang ang makatatanggal ng zipper sa kanyang wallet at bulsa, super-kuring talaga ang guwapong personalidad.

“Naku, huwag na silang umasang magbabago pa ang ugali ni ____ (pangalan ng guwapong male personality) at mabibigo lang sila. Di ba, ganyan na siya kahit nu’ng bagets pa lang siya?

“Walang Pasko para sa kanya, lahat ng araw sa buong taon, e, pare-pareho lang, ganu’n ang paniniwala niya! Nakakaloka nga, ni singkong duling, e, hindi man lang niya naaabutan ang mga inaanak niya!

“Nu’ng nagsasama pa sila ng wife niya, e, meron pa, pero mula nu’ng maghiwalay na sila, e, ni hindi man lang niya naaalala ang mga batang wala pang kamuwangan sa kakuringan niya!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.

Wala rin palang tumatagal na tagapagbantay sa kanyang beach house sa isang probinsiyang hindi naman kalayuan sa Maynila. Gutom ang dahilan nu’n dahil hindi naman regular ang pagsusuweldo niya sa kanyang caretaker.

“Pang-ilang bantay na bang umalis sa poder niya itong pinakahuling umalis? Paano naman may makatatagal na caretaker sa kanya, e, gutom ang inaabot sa kanya ng mga ‘yun? May mga money remittance center naman siyang mapagpapadalhan, pero hindi niya ginagawa!

“Kuwento nu’ng pinakahuling umalis niyang caretaker, e, nakikikain na lang siya sa mga kaibigan niyang tagabantay rin dahil walang ipinadadalang kahit magkano sa kanya ang sir niya.

“Ganu’n siya katindi, walang makakakabog sa kahigpitan ng bulsa niya. ‘Yun na talaga siya, araw-gabi siyang kuring, siya na talaga! Lodi siya sa kakuriputan, sa totoo lang!” pagtatapos ng a-ming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong getlak n’yo na kung sino siya, siguradong tumbok din ng mag-asawang Jon at Ching Bautista Silverio kung sino ang ating the who!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending