KINANSELA ng isang transport group ang nakatakdang dalawang-araw na welga na magsisimula sana bukas matapos mangako si Sen. Grace Poe na pakikinggan ang kanilang mga hinaing sa isang pagdinig ng Senado sa Disyembre 7.
Inihayag ng No to Jeepney Phaseout Coalition na pinamumunuan ng Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) na hindi muna nila itutuloy ang tigil pasada bukas at sa Martes.
“Wini-welcome at na-appreciate natin ang pag-imbita ni Senator Grace Poe kaya magbibigay-daan tayo sa konsultasyong ito at ipagpaliban muna ang ating tigil-pasada,” sabi ni Piston President George San Mateo.
Sa kabila naman nito, binatikos ni San Mateo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kabiguan nito na sila ay konsultahin.
“Yan ang ‘di ginagawa ng LTFRB. Dahil dyan napagdesisyunan natin with consulatation sa mga myembro sa Metro Manila at ibang ibang probinsya na pansamantalang itigil muna ang tigi-pasada. Patunay ito na bukas tayo sa dayalogo,” dagdag ni San Mateo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.