Katoliko vs droga | Bandera

Katoliko vs droga

Lito Bautista - December 01, 2017 - 12:10 AM

LULUNDAG sa dilim. Hindi alam ang mangyayari, pero nagtitiwalang hindi mapapahamak. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Dn 1:1-6, 8-20, Dn 3; Lc 21:1-4) sa ika-34 ng linggo ng taon.

Hindi lumundag sa dilim ang mga reberendo’t pari sa Galilee Home sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan sa rehab ng mga drug at alcohol dependent, pati na ang pagsilong sa matatandang wala nang pamilya o itinakwil ng kanilang kadugo. Ang kanilang gabay ay si Jesus. Wala si Jesus sa megarehab.

Karaniwan, ang problema ng drug at alcohol dependent ay pamilya. Naglaho ang pagmamahal at pananampalataya. Ang ama ay babaero. Ang ina ay nanlalalaki. Ang kapwa magulang ay wala nang obligasyon at responsibilidad sa mga anak. Sugal, alak, kalayawan ang libangan ng mga magulang; kapit sa pera, di sa rosaryo.

Bukas (opening) sa demonyo barkada ng anak. “Mabait” sa umpisa ang demonyo, hanggang sa malulong sa kasalanan, bisyo at krimen ang bata. Nasira na ang bata, nawasak pa ang tahanan. Dalawampu’t pitong taon na ngayon na ibinabangon ng Galilee ang mga nalulong sa droga’t alak. God dependent na sila, nakalabas, bagumbuhay na. Sumigla’t umasenso.

Hindi ibinabandera ng Galilee, ng Parokya ng Lourdes o ng Diocese of Malolos ang tagumpay ng ilaw sa kadiliman. Mahigpit ang utos ng Ebanghelyo. Hindi ipinababatid ng kanan ang ginawa ng kaliwa. Tanging ang Panginoon ang nakaaalam ng lahat dahil hindi ipinaghahambug ang corporal works of mercy. Gawa, hindi ngawa.

Sa susunod na mga araw, lulundag na tayo sa “Tokhang 2.” Wala pang Tokhang 2 ay pinakilos na ang BADAC (Barangay Drug Abuse Council) at UBAS (Ugnayang Barangay at Simbahan). May bagong listahan na ng mga drug user, addict at pusher. Naaapuhap na ng simbahan ang magaganap dahil lulundag muli tayo sa dilim. Sa paglundag sa dilim, nawa’y hindi tayo mapahamak para makagapang sa liwanag.

Handa na ang Tokhang 2, kung walang TRO mula sa mataas na hukuman. Peks man, magiging maingat na raw ang mga pulis.
Papatay lamang kapag kailangan. Wala ring mangyayari para mahinto ang problema sa shabu. Hindi naman hinaharang sa Aduana ang pagpasok ng shabu, na mismong gobyerno ang sangkot.

Noong nasa Malacanan pa si Renato Corona at opisyal ni GMA, sinasagot niya isa-isa ang text ng media. Noong CJ na siya, ang una niyang pinakisamahan ay ang mga sekyu at clerks. Mataas ang lipad ni Maria Lourdes (napakabanal na pangalan at bihira nang gamitin sa pagbibinyag ngayon) sa kabila ng kanyang “lack of judicial experience, insufficient leadership skills, inability to inspire respect and support from members of the court.” Madalas ipinaalala sa Ebanghelyo ang talinhaga ng mapagmataas. Public office is a public Toyota.

Ang pagharap ni Jomar Canlas sa Kamara ay patunay na mahirap at marangal pa rin ang trabaho ng journalist kesa blogger (remember Watergate na nakadalawang pelikula na). Mahirap mang-scoop sa hanay ng mga mahistrado. Iginagalang ng mga mahistrado ang journalist na ang pakay ay facts of the news lang. Mahistrado mismo ang nagbabahagi ng balita sa iginagalang na journalist. Walang ganito sa blogger.

Kung kayang magsakripisyo, huwag munang mamili o gumasta sa weekends. Pag weekends, di nakibo (anang Batangueno) ang trapik sa Metro Manila. Di ba nagsusuweldo ang MMDA at LGUs para maibsan ang trapik sa weekends? Kung walang traffic enforcers pag weekends, walang nagsusuweldo sa kanila para magtrabaho sa mga araw na ito. Sayang lang ang buwis na nakokolekta sa weekends, wala palang naglilingkod sa taumbayan.

PANALANGIN: Ngunit ang masasama’y parurusahan Niya, nang ayon sa kanilang masasamang kaisipan. Karunungan 3:10

MULA sa bayan (0916-5401958): Kawawa naman si CJ Sereno. Pero, mas kawawa si Corona. Kaya gumagawa ng paraan ang mga nagpatalsik kay Corona na huwag patalsikin si Sereno. …1827, Barangay 27, Ormoc City

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang gaan ng parusa kay Maria Isabel Lopez. Kapag mahirap at nakamotor, araw-araw ang parusa sa sita at multa. …5643 Valenzuela riders

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending