DavOcc niyanig ng magnitude 5 na lindol
Leifbilly Begas - Bandera November 30, 2017 - 03:40 PM
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5 ang Davao Oriental kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology lumindol alas-9:16 ng umaga. Ang sentro nito ay 46 kilometro sa silangan ng Caraga. May lalim itong 23 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagbabala ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng aftershock ang paggalaw na ito.
Naramdaman ang Intensty III paggalaw sa Bislig City, Surigao del Sur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending