Kathryn pinabilib ang madlang pipol sa La Luna Sangre ‘monologue’ | Bandera

Kathryn pinabilib ang madlang pipol sa La Luna Sangre ‘monologue’

Alex Brosas |November 30,2017
facebook
share this

Kathryn pinabilib ang madlang pipol sa La Luna Sangre ‘monologue’

Alex Brosas - November 30, 2017 - 12:05 AM

KINABOG ng La Luna Sangre ang bago nitong karibal sa timeslot.

Ayon sa datos ng Kantar Media, mas tinutukan ang pagbubukas ng “Power Unlock” week ng Kapamilya soapnoong Lunes (Nov. 27) at nakakuha ng national TV rating na 31.4% mula sa pinagsamang urban at rural homes kumpara sakakasimula lang na kalabang serye na may 15.6%.

Sa episode, nasaksihan ng mga manonood ang pagsumamo ni Malia (Kathryn Bernardo) sa buwan at paghiling niya na lumakas pa ang kanyang kapangyarihan para tuluyang matalo si Sandrino (Richard Gutierrez) at masagip si Tristan (Daniel Padilla). Tila narinig naman siya nito nang biglang pumula ang kanyang kamao.

Nag-trending sa social media ang emosyonal na monologue ni Kathryn.

“Nakakabilib talaga kapag naibigay nang maayos at malinis ng isang aktor o aktres ang kinakailangan sa isang eksena. Sa eksena ni @bernardokath, higit pa sa inaasahan ng mga manonood ang ibinigay niya. Ang mas nakakabilib doon ay ginawa pa niya ito sa gitna ng ulan. Ang hirap nun, ah,” sabi ni @julianmauricio.

Para naman kay @ iamKATHriiin, “Pinakamagandang panimula ito para sa #PowerUnlockWeek #LLSPowerUp WOOT WOOT! GINALINGAN!”

“Pwede ba natin bigyan pansin ang ginawang pag-arte ni Kathryn Bernardo sa eksenang ‘yun? Ibaaaa!

Alamat ka talaga! Mata pa lang, lahat ng kailangang emosyon nakikita!” saad ni @iamtherealjenn
Another one said, “Ibang level na talaga si Kathryn. Siya pa lang sa kanyang henerasyon sa showbiz ang pwedeng tawaging action-drama queen dahil sa ipinapakita niyang galing sa LLS!”

Ngayong nadagdagan na ang kapangyarihang taglay ni Malia, paano niya kaya ito gagamitin laban kay Sandrino? Maligtas na kaya niya si Tristan bago pa ito malagutan ng hininga sa loob ng kabaong?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending