Dr. Charlie Jandic law isinusulong | Bandera

Dr. Charlie Jandic law isinusulong

Leifbilly Begas - November 27, 2017 - 08:00 AM

MARAMI ang nagulat sa balita na mayroong nahulog sa riles ng Metro Rail Transit 3 sa Ayala station kamakailan at naputol ang kanyang kanang braso.

Masuwerte si Angeline Fernando dahil kasama niyang bumaba sa naturang istasyon ang doktor na si Charlie Jandic.

Dahil sa maagap na pagsaklolo ni Dr. Jandic ay nakaligtas si Fernando at naging posible na maikabit ang kanyang naputol na braso.

Ang ginawang ito ni Dr. Jandic ang dahilan kung bakit gusto ni Kabayan Rep. Ron Salo na ipa-ngalan ang kanyang panukalang batas na emergency medical services system kay Jandic.

Ayon kay Salo papapalitan niya ang pangalan ng House bill 4955 at gagawin itong “The Dr. Charlie Jandic Emergency Medical Services System Act of 2017”.

Sinabi ni Salo na napakalaking bagay ng nagawa ni Dr. Jandic at kung wala siya ay maaaring tuluyan ng nawalan ng braso si Fernando, na bread winner ng kanilang pamilya.

Sa ilalim ng HB 4955 magkakaroon ng sistema para asikasuhin ang mga biktima ng aksidente o trahedya bago maisugod ang mga ito sa ospital.

“One of the key issues in the field of emergency or pre-hospital case in the country is the lack of national standard of practice that can be followed, as well as the minimum requirements for individuals who wish to enter the field,” ani Salo.

Magkakaroon ng limang bahagi ang sistemang ito— emergency medical dispatch, emergency response and care, emergency transport, inter-agency referral and transport, at command and control.

Kasama rin sa panukala ang pagkakaroon ng isang national emergency line na matatawagan sa anumang uri ng emergency.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending