Anong dapat mong malaman sa HIV/ AIDS | Bandera

Anong dapat mong malaman sa HIV/ AIDS

- November 27, 2017 - 08:00 AM

DAHIL nalalapit na ang World AIDS Day sa Bi-yernes, ano-ano ba ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa human immunodeficiency virus (HIV) at acquired immune deficiency syndrome (AIDS)?

  • HIV virus is the virus that causes HIV infection. Ang AIDS ang most advanced stage ng HIV infection.
  • Nagkakaroon ang isang indibidwal sa pamamagitan ng blood contact, semen, pre-seminal fluid, rectal fluids, vaginal fluids, at maging ang breast milk.
  • Sa Pilipinas, ang sinasabing karaniwang sanhi ng HIV infection ay sa pamamagitan ng man to man sex or anal sex at vaginal sex.
  • Antiretroviral therapy (ART) ay ang paggamit ng HIV medicines para maagapan ang HIV infection. Ang mga taong nasa ilalim ng ART ay gumagamit ng HIV medicines araw-araw.
  • Hindi nagagamot ang HIV infection ng ART, gayunman nakakatulong ito para pahabain pa ang buhay ng taong merong HIV. HIV medicines can also reduce the risk of transmission of HIV.
  • Ano-anong sintomas ng HIV/AIDS: Sa loob ng dalawa hanggang apat na linggo ma-tapos ma-infect ang isang indibidwal ng HIV, makararanas ito ng tila sintomas ng trangkaso gaya ng lagnat, panginginig at rashes. Posibleng tumagal ang sintomas ng ilang linggo.
  • Sa early stage ng HIV infection, HIV continues to multiply but at very low levels. Hindi agad nakikita ang malalang sintomas ng HIV infection sa ilang taon.
  • Kung hindi bibigyang treatment ang HIV infection sa pamamagitan ng HIV medicines, pwedeng mauwi sa AIDS ang kaso sa loob ng 10 taon.
  • Posible ang HIV transmission kahit nasa early stage pa lang ang infection, at kahit hindi pa lumalabas ang sintomas nito.
  • Kung positive ka, hindi nangangahulugan na hindi ka na pwedeng makipagtalik. May mga doktor na nagsasabi na ang healthy sex life ay nakakatulong sa isang taong may HIV dahil ang orgasm ay nakatutulong sa maayos na pagtulog at nagpapataas ng immunoglobulin levels, na lumalaban sa impeksyon ng katawan. Dapat lang siguruhin na safe o protective sex ito upang hindi makahawa.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending