Ateneo Blue Eagles isang panalo na lang sa UAAP title | Bandera

Ateneo Blue Eagles isang panalo na lang sa UAAP title

Angelito Oredo - November 25, 2017 - 10:42 PM

Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
4 p.m. La Salle vs Ateneo (Game 2, best-of-3 Finals)

LUMAPIT sa isang panalo para mauwi ang titulo ang Ateneo de Manila University Blue Eagles sa pagbigo sa defending champion De La Salle University Green Archers, 76-70, sa Game One ng UAAP Season 80 men’s basketball best-of-three Finals Sabado sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Bitbit ang dalawang puntos na bentahe, 60-58, naghulog ng 9-1 atake ang Blue Eagles tampok ang pitong sunod na puntos ni Mike Nieto at dalawa ni Tyler Tio para umangat sa 69-59 ang Ateneo. Agad naman itong hinabol ng Green Archers na ibinagsak ang 7-0 bomba para pahigpitin ang laban sa 66-69, may 4:41 pa sa laro.

Sinagot naman ito ni Raffy Verano sa sariling atake para ibigay sa Blue Eagles ang 71-66 kalamangan bago muling dumikit ang Green Archers sa apat na sunod na puntos ni Aljun Melecio para sa iskor na 71-70, may 2:31 pa sa laro.

Inilayo ni Ferdinand Ravena III ang Blue Eagles sa 73-70 sa 2:07 ng laro bago pinosasan ng Blue Eagles sa huling dalawang minuto ang Green Archers na hindi nakaiskor bago nagawa ni Isaac Go na makatakas para sa isang three-point play sa foul ni Kib Montalbo para sa pinal na iskor sa 76-70.

Napanatili rin ng Blue Eagles ang malinis nitong record na pitong sunod na panalo sa mga laro na isinasagawa sa Mall of Asia Arena.

Kinailangan naman ng mga referees na higpitan ang kanilang pamamahala sa ikalawang yugto bunga ng pisikal na sitwasyon at matinding pagtutulakan sa pagitan ng mga manlalaro.

Pinamunuan ni Ravena ang Blue Eagles sa kinolekta nitong 12 puntos, anim na rebound at apat na assist habang nag-ambag din ng tig-11 puntos ang magkapatid na sina Matt at Mike Nieto.

May 10 puntos din si Anton Asistio dagdag ang dalawang rebound habang may siyam na puntos si Vince Tolentino kasama ang pitong rebound at dalawang steal.

Maiuuwi na ng Blue Eagles ang ika-9 na UAAP title kung mananalo ito sa Game 2 sa Miyerkules.
Nalimitahan naman ang Season MVP na si Ben Mbala sa walong puntos at 12 rebounds.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending