Makakaahon pa ba sa kahirapan? (2) | Bandera

Makakaahon pa ba sa kahirapan? (2)

Joseph Greenfield - November 21, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula Turo ng Blumentritt, Murcia, Negros Occidental

Problema:

1. Electrician ang trabaho ko kaya lang bihira na lang ang tumatawag sa akin at kung may trabaho man kapos na kapos ang aking kinikita. Ang misis ko naman ay naglalabada lang kaya sa kasalukuyan ay hirap na hirap kami. Pito kasi ang anak namin, at kulang na kulang ang aking kinikita. Kaya sa ngayon tadtad kami ng utang kung saan-saan, kaya marami ang naghahanap at naniningil sa akin. Hindi ko nga malamang kung saan ako magtatago. Bukod sa mabigat na problema sa pera may sakit pa ako sa ngayon.
2. Minsan naiisip kong tapusin na ang aking buhay, kaya lang naaawa naman ako sa aking mga anak na maiiwan ko at sa aking asawa. Sana matulungan nyo ako kung paano ko lulutasin ang problemang ito sa pera? Sa palagay nyo may pag-asa pa kaya kaming maka-ahon sa kahirapan? Kung may roon pa, kailan kaya at sa paanong paraan? March 10, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Turo Negros Occidental

Solusyon/Analysis:

Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.) ang nagsasabing ang dalawang tao na tutulong sa inyong pamilya na binabanggit sa Cartomancy at Palmistry ay isinilang sa zodiac sign na Scorpio at Capricorn. Kung saan, mag-asawa sila at bukod sa tulong pang-pinansyal, papahiramin pa kayo ng puhunan para sa negosyong may kaugnayan sa tindahan.

Numerology:
Ang birth date mong 10 ay nagsasabing bigla at malaking pagbabago ang nakatakdang dumating sa buhay nyo sa taong papasok na 2018 sa buwan ng Abril o kaya’y Mayo sa edad mong 39 pataas.

Luscher Color Test:
Upang tuluyang matupad ang nasabing suwerte na binanggit na sa itaas, lagi kang gumamit at mag-suot ng kulay na berde at dilaw. Ang nasabing kulay ang lalo pang magpapatingkad ng magagandang kapalaran at ng pag-unlad sa larangan ng materyal na bagay.

Huling payo at paalala:
Turo ayon sa iyong kapalaran sa susunod na taong 2018, makikita mo, malulutas na rin ng kusa ang suliraning may kaugnayan pinansyal ng inyong pamilya. Tulad ng nasabi na, isang mag-asawa ang biglang darating, kung saan, sila ang tutulong sa inyo upang maka-ahon na kayo sa mga pagkakautang at sa pamamagitan ng puhunan sa negosyong tindahan na kanilang imumungkahi sa inyo, tuloy-tuloy ng uunlad at aasenso ang kabuhayan ng iyong pamilya hanggang sa tuluyan na kayong makaahon sa kahirapan at sa mga pagkakautang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending