Mental health bill aprub na sa Kamara | Bandera

Mental health bill aprub na sa Kamara

Leifbilly Begas - November 20, 2017 - 05:54 PM
Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang national mental health bill.       Sa botong 223-0 at walang abstention, inaprubahan ng Kamara ang Comprehensive Mental Health Act (House bill 6452).     Ikinatuwa naman ni Akbayan Rep. Tom Villarin ang pagpasa ng panukala na makatutulong umano upang matulungan ang mga Filipino na mayroong problema sa pag-iisip.       “This brings us a step closer towards tackling mental health issues not just as individuals, but as a society, given that social conditions significantly contribute to a person’s mental health and well-being,” ani Villarin.     Isa sa mga layunin ng panukala na proteksyunan ang karapatan at kalayaan ng mga taong may kapansanan sa pag-iisip at ang pagpapalawig ng mental health care system sa bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending