DLSU Green Archers asinta ang Finals slot | Bandera

DLSU Green Archers asinta ang Finals slot

Angelito Oredo - November 18, 2017 - 12:08 AM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4 p.m. La Salle vs Adamson

MAOKUPAHAN ang unang Finals seat ang hangad ng nagtatanggol na kampeong De La Salle University Green Archers sa pagsagupa sa Adamson University Soaring Falcons sa pag-uumpisa ng UAAP Season 80 men’s basketball Final Four ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Hawak ang twice-to-beat advanage, asam ng Green Archers na mahablot ang silya sa kampeonatong serye sa pagsagupa nito alas-4 ng hapon sa Soaring Falcons na hangad naman ang makapuwersa ng matira-matibay na ikalawang laro.

Winalis ng La Salle sa dalawa nitong paghaharap sa eliminasyon ang Adamson, na una noong Setyembre 20, 85-73, bago sinundan noong Oktubre 21, 80-74.

Winalis din ng La Salle ang ikalawang round ng elims matapos na mabigo sa University of the Philippines Fighting Maroons at Ateneo de Manila University Blue Eagles sa unang round upang ipadama ang matinding konsentrasyon sa misyong maidepensa ang korona.

“We were able to focus in the second round, being committed to the objective which was to win the championship,” sabi ni La Salle coach Aldin Ayo.

Huling tinalo ng Green Archers ang karibal na Blue Eagles sa huling araw ng eliminasyon, 79-76, upang ipakita ang kahandaan sa pagtatanggol sa hawak na korona.

Inaaasahan naman ni Ayo na gagawin ni Adamson coach Franz Pumaren ang lahat para pahirapan ang Archers bagaman kailangan ng Falcons na magwagi ng dalawang sunod para makaagaw ng silya sa Finals.

“It will be a dogfight. They will prepare against us. Our last game was close. It was decided in the last two minutes. For sure, it will be difficult for us. But we are going to prepare,” sabi ni Ayo.

Matatandaang tinapos ng La Salle ang eliminasyon na may 12-2 kartada para okupahan ang ikalawang silya sa Final Four habang tumapos sa ikatlong puwesto ang Adamson na may 9-5 record.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending