Paolo sa mga tumawag kay Mariel ng Miss Karma: Kung gusto n’yo kayo ang lumaban!
NANINIWALA si Paolo Ballesteros na may katapat na karma ang mga ginagawang pamba-bash ng mga netizens kay Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon.
Sa presscon ng bagong pelikula ni Paolo, ang “Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies” kasama sina Wally Bayola at Jose Manalo, ipinagtanggol ng TV host-comedian si Mariel laban sa mga netizens na patuloy na nanlalait at nambabastos sa dalaga, lalo na nang matalo ito sa katatapos lang na Miss International 2017 na ginanap sa Tokyo, Japan last Tuesday.
Ani Paolo, “Kay Mariel, ang hirap kasi na sumali sa isang beaucon, kaya marami sa ating mga Pilipina ang ayaw sumali talaga dahil takot. Una, maba-bash sila.
“Takot na takot na makita ng ibang tao ang mga kamalian, na hindi naman dapat ganu’n. Kaya nga may mga judges, sila yung dapat magpuna. Kumbaga tayo, supporters tayo, hindi tayo ang mga judge.”
“Hindi naman natin kilala nang personal yung kandidata natin, nakiki-‘heeey’ lang tayo, suportahan na lang natin kung anuman ang ginawa nila. Kung gusto niyo, e, di kayo na lang sumali.
“Kung meron man kayong galit du’n sa tao, e, sarilinin niyo na lang. Hindi naman makakatulong kung ipapakalat mo yung hate mo, yung nasa isip mo. Hindi ka nagmumukhang smart.
“Ni-represent na nga nung tao ang Pilipinas, tapos ganu’n pa ang mababasa. Parang ang hirap naman ng ginawa niya. Hindi naman madali yung kalabanin mo yung buong mundo, di ba? Tapos iba-bash ka pa.
“Kaya nga, yun ang sinabi ko na na maraming Pilipina ang nagsi-second thought na sumali, kasi nga, tayong mga Pilipino, ang galing-galing nating mag-judge,” aniya pa.
Binansagan na rin ngayong “Mariel Karma” ang anak nina Sandy Andolong at Christopher de Leon dahil sa pagpuna nito kay Pangulong Rodrigo Duterte, “Ang masasabi ko lang, yun sa mga namba-bash, e, sana ay di rin sila makarma. Yung pagtawag pa lang nila na ‘Miss Mariel Karma’ ay masamang gawain na yun, di ba?
“Alam naman pala nila yung ibig sabihin ng karma na, ‘What goes around, comes around,’ e. Sana, huwag namang mangyari sa kanila. Huwag na tayong maging sobrang judgmental o mag-isip nang hindi maganda sa kapwa,” dagdag pa ni Pao.
q q q
Nagpaliwanag naman si Jose Manalo kung bakit hindi nakasama sa pelikula ng tatlong lola ng Kalyeserye na “Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies” sina Alden Richards at Maine Mendoza.
“Sobrang ano (hectic) ng schedule nila, like kami hindi kami masyadong nakasama du’n sa MMFF movie ni Bossing (Vic Sotto) kasi nga nagsabay (sa Trip Ubusan). Kaya yung labas ng AlDub dito ‘yun yung aabangan eh, kasi baka may kasunod na kasama na namin sila.
“Sobra ‘yung schedule ng dalawa bago pa man gawin ‘tong movie na to last year pa siguro na naka-line-up na yung mga gagawin nila,” paliwanag pa ni Jose.
Kinakabahan na ba sila sa launching movie ng talong lola lalo na’t aabutin ng second week ng “Justice League” ang playdate nila? “Kami sobra yung kaba namin. Si Pao okay lang naman, subok na rin naman niya ‘yung sarili niya pero yung sa aming tatlo siguro yung tiwala na ibinigay sa amin ng producers.
“Yun na lang yung pinanghahawakan namin dahil hindi naman makukuha yung playdate na yun kung nag-alangan siila sa amin. Siguro naniniwala rin sila na panonoorin din kami ng mga tao,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.