Madlang pipol wala nang paki kina John LLoyd at Ellen
MUKHANG ini-enjoy pa ni John Lloyd Cruz ang sweet moments nila ng sexy star na si Ellen Adarna. Wala na kasing balita sa kanya kahit nakabalik na raw siya sa Pilipinas.
Mas naka-focus kasi sa kanya ang mga tao dahil siya ang bigger star at hindi sila sanay na hindi napag-uusapan si Lloydie sa showbiz. Si Ellen naman ay madaling makagawa ng eksena dahil maraming gimik sa buhay ang babaeng iyan.
Pero how about John Lloyd? Marami ang nanghihinayang kasi sa husay nito sa pag-arte pero mas piniling magliwaliw with Ellen for months na, di ba?
“Ang problema riyan ay kung makakabalik pa siya tulad ng dati. Magaling nga siyang aktor but he disappointed his fans so much. Nu’ng una, na-miss siya pero nitong mga huli parang ayaw na rin sa kanya, kasi nga hindi nila feel ang pinaggagawa niya the past months.
“Bakit naman kasi niya kailangang layasan ang showbiz eh, puwede naman niyang pagsabayin ang work and his lovelife, di ba? Parang napaka-ungrateful niya sa business na ito na nagbigay sa kanya ng ma-gandang buhay,” sabi ng isang naghihimutok na dating Lloydie fan na hindi pa yata nakaka-move on. Ha! Ha! Ha!
Oo nga, ‘no? Sobrang tahimik na ang isyu kina John Lloyd and Ellen. Parang wala nang masyadong interesadong malaman ang mga pinaggagawa nila. Nu’ng una kasi, bawat kibot ay front page agad sila. Tuwing may gagawing eksena, whether sa video o social media ang sinuman sa kanila ni Ellen ay issue agad.
Pero ngayon, kahit maghubad pa sila siguro sa harap natin ay parang wala nang masyadong saysay, parang no big deal na. Ganyan talaga sa mundo namin – once you disappoint your public, ma-nanamlay talaga ang karera mo.
Ang pinakamahirap pa naman sa isang artista ay ang pagka-comeback. Sobrang hirap. Kahit anong gawin ng mother studio mo pag ayaw na ng tao, patay na ang career mo. Huwag na sanang hintayin ni Lloydie na tuluyan nang mamatay ang career niya bago siya magdesisyong bumalik.
Sayang lang ang pagi-ging mahusay niyang aktor kung mauuwi lang din pala sa wala. Hay buhay.
q q q
Kasabay ng Cinema One Originals Film Festival ang ASEAN Summit kaya tiyak ang panalo nila in terms of audience. Kasi nga walang pasok ang mga estudyante kaya for sure ay susugod ang mga ito sa mga sinehan.
May siyam na official entries ang C1 Originals filmfest at iba pang bonus films for exhibition lang. Meron pa silang apat yatang ni-restore na mga old films kaya we predict that this 13th year ng Cinema One Originals filmfest ang magiging pinakamatagumpay.
Kasama sa mga entries dito ang “‘Nay” starring Enchong Dee and Ms. Sylvia Sanchez. May pagka-horror-thriller ang movie na ito na hango sa isang regional folklore ba, am I right? Nakita ko kasi ang posters nila at nakakatakot ang dating.
Alam niyo naman na mahilihg talaga ang mga Pinoy sa ganitong uri ng movies. Kaya good luck sa “‘Nay” at sa iba pang entries.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.