Hamon kay James: Ipagtanggol si Nadine laban kay Ivan
GRABE ang alegasyong pinakawalan daw ni Ivan Dorschner regarding his best friend James Reid’s relationship kay Nadine Lustre.
Masakit iyon for the girl para sabihing siya ay isang manipulative and controlling girlfriend at ang sabi pa raw ni Ivan ay fake daw ang love ni James for Nadine or something to that effect. Ever since kasing nakita namin sila together sa TV and some events ay parang sweet naman sila at mukhang malalim na ang relasyon. Di ba’t napabalita pang nagli-live na nga raw ang dalawa?
Simple lang ang take ko rito – Papa James Reid must stand up and speak on behalf of his girlfriend na galing pa naman sa isang depressing period dahil nga kamamatay lang ng kanyang younger brother. Nagtataka lang kasi ako kung bakit hindi nagsasalita si James – does his silence confirms Ivan’s allegations?
Kasi nga, agad-agad sana ay nagsalita siya to defend his girl kung sinisiraan lang ito ni Ivan pero the fact that James is mum about it, malamang may bahid ng katotohanan ang isyu. Kawawa rito si Nadine kasi nga babae siya.
Hindi ko lang alam kung saan nanggagaling ang pag-aalburoto ni Ivan kay Nadine. Sa pagkakaalam ko Ivan is a straight guy. Normally kasi, bading lang ang puwedeng umasya ng ganoon dahil karibal niya ang babae pero dito ay iba – mag-best friends sila at parehong lalaki.
Ano kaya ang pumasok sa utak ni Ivan kung totoo nga na nasabi niya ang ganoon kay Nadine? Utos kaya ito ni James para malayo na kay Nadine? Puwede rin kasing ganoon kung pakaisipin mo lang. Sometimes it’s a strategy para magalit ang girl at magkaroon siya ng excuse na hiwalayan ito.
Idinaan sa best friend. Kasi kung ako si James at GF ko si Nadine, sasapakin ko si Ivan kahit best friend ko siya. To call her names, mabigat iyon. Hindi ko siya mapapatawad. Pero why the silence, Papa James?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.