Divina itinangging nakita si Atio; kinontra naman ito ng CCTV footage
ITINANGGI ni University of Santo Tomas (UST) Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina na nakipagpulong siya kay Horacio “Atio” Castillo III sa kanyang law office ilang araw bago mangyari ang hazing na nagresulta sa kanyang pagkamatay noong Setyembre 17.
Kinontra naman ito ng footage muka sa closed-circuit television (CCTV) na nakuha mula sa Pacific Star Building sa Makati City, kung saan nag-oopisina ang Divina Law firm.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig kaugnay ng pagkamatay ni Castillo na pinangunahan ng Senate committee on public order and dangerous drugs, iprinisinta ni Sen. Panfilo Lacson ang CCTV footage na nakuha noong Setyembre 12. Si Lacson chairperson ng komite.
Makikita sa CCTV footage ang isang lalaki na pinaniniwalaang si Castillo, na nakasuot bg isang asul na jacket at itim na pantalon sa loob ng Pacific Star Building.
Kinumpirma ng mga magulang ni Castillo na ang kanilang anak nga ang nasa video, sa pagsasabing ang nanay ang bumili pa ng jacket.
“It looks very much like him. In that picture you will see his blue jacket; his mom bought that blue jacket. He was wearing black pants, and also the hair style,” sabi ng tatay ni Castillo, na si Horacio Jr. kay Lacson.
Sinuportahan ito ng nanay ni Castillo na si Carmina.
“Established yung fact na Atio indeed visited at least, the Pacific Star building. We’re not concluding Divina law office ang pinuntahan,” dagdag ni Lacson.
Kinumpirma ni Divina na matatagpuan nga ang kanyang law office sa gusali bagamat paulit-ulit na itinanggi na nakipagpulong siya kay Castillo sa kanyang opisina sa love b ng gusali.
Bago nito, sinabi ni Sen. Grace Poe na nais niyang malaman ang koneksyon na tinutukoy sa footage.
Sinabi ni Poe na noong Setyembre 12, tinext ni Castillo ang kanyang nanay na nasa loob siya ng opisina ni Divina sa kahabaan Buendia.
“Pacific Star building is owned by Century properties, and their corporate secretary is a senior partner of Divina law firm. The same owner of Pacific Star is also the owner of Novotel hotels and resort kung saan nagkita yung frat members pagkatapos (mamatay ni Castillo),” sabi ni Poe.
Ang tinutukoy ni Poe ay ang umanong pagpupulong ng mga miyembro at opisyal ng Aegis Juris fraternity noong Setyembre 17.
Sa naunang pagdinig, sinabi ni Manila Police District Senior Supt. Joel Coronel na tinatayang 19 na miyembro ng fraternity ang dumalo sa pagpupulong sa isang function room sa ikatlong palapag ng hotel para umano pagplanuhin ang cover-up” sa kaso ni Castillo.
“The points being raised here, are a matter of obstruction of justice, a cover up. May messages na inuutusan ang isang tao na i-erase ang CCTV, na bayaran kung kailangan ang barangay officials para makuha ang CCTV. Obviously, this is a clear cover up,” sabi naman ni Sen. Miguel Zubiri.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.