BANDERA "One on One": Rhian Ramos | Bandera

BANDERA “One on One”: Rhian Ramos

- December 01, 2009 - 05:37 PM

ISA si Rhian Ramos sa masusuwerteng young actresses na nabigyan ng magandang break sa showbiz. Nagsimula bilang commercial and ramp model, ngayon ay isa na siya sa mga ipinagmamalaking leading ladies ng GMA 7.
Sa kabila ng kaliwa’t kanang kontrobersiya at intriga na kinasangkutan niya noon – kabilang na ang pagkalat sa Internet ng mga diumano’y pictures niya kung saan makikitang hinahalikan siya ng iba’t ibang lalaki – napatunayan ni Rhian na may puwang din siya kahit paano sa mundo ng show business.
Naka-chikahan ng BANDERA si Rhian at ilang personal na tanong ang ibinato namin sa kanya na game na game naman niyang sinagot isa-isa.
BANDERA (B): What do you do during your free time?
RHIAN RAMOS (RR): It’s either I sleep or I tweet, I eat, nagpe-Facebook, pero hindi na ako nagpa-Farmville ngayon. Lumalabas din kami ng mga friends ko, gimik din, kami nina Glaiza (de Castro), minsan si TJ (Trinidad), si Karen (delos Reyes) kasama rin namin, tapos yung make-up artist ni Dingdong (Dantes) kasama rin. Kami-kami ‘yung nagkakasama ngayon sa gimikan. Minsan kasama din ‘yung staff ng Stairway To Heaven (teleserye ngayon ni Rhian sa GMA).
I think, maganda talaga yung naging effect sa akin ng Stairway To Heaven, hindi lang kasi kami puro trabaho, we get to bond also. So, talagang nagkaroon ako ng bagong set of friends. Kaya masaya. Sila ‘yung mga totoong kaibigan na after this show, makakasama ko pa rin for sure.

B: Ano ang beauty routine mo?
RR: Wala masyado. Basta, pagkatapos ng taping, tanggal make-up agad. Hindi ako natutulog na hindi ako nagwa-wash ng face ko. Minsan, kahit nasa kotse pa lang ako pauwi ng bahay, tinatanggal ko na ang make-up ko, para pagdating ng bahay, wash na agad ng face. Hindi ako masyadong vain, e.
Actually, first time kong magpa-facial last month. Masakit pala siya. Kung anu-ano yung nilalagay, tapos may parang something na iniikot-ikot sa face mo.

B: Kumusta ang lovelife mo?
RR: Wala ngayon, pero masaya ako sa ganu’n. Dahil ang hectic na ng work life, kaya baka wala na rin akong time para diyan. Tsaka at the same time, I think it’s not the right time to enter a relationship. May nanliligaw naman, pero sinasabi ko na sa kanila na huwag na, kasi papaligaw ka, tapos hindi mo rin naman sasagutin, di ba, useless din? The last date I had was probably four months ago. Kasi gusto ko ring i-try, di ba? Pero after that, sabi ko, siguro talagang it’s not my time. I just said, no, no, never mind na lang.

B: Ano ba ang ideal man mo?
RR: Very, very important sa akin ’yung sense of humor. Kasi minsan, di ba, pag na-i-stress ka sa dami ng ginagawa mo, pagod na pagod ka, kailangan mo lang yung taong magpapatawa sa ‘yo, papasayahin ka. And one more thing, ayaw na ayaw ko ‘yung lalaking mas maarte pa sa akin. ‘Yung gusto ko, ’yung nakiki-ride sa trip. Kasi, minsan na nga lang akong magka-free time, di ba? So, kailangang sulitin na ‘yun. Malakas kasi ang trip ko, ‘pag may free time ako. Like, kapag sinabi ko, punta tayong Tagaytay, tapos isasagot sa ‘yo, ‘Hindi na, malayo ‘yun. Sayang ang gas!’ Ano ba? Huwag namang ganu’n.

B: Hindi ba importante sa iyo ang yaman ng lalaki o ‘yung security mo sa kanya once na naging magkarelasyon kayo?
RR: Alam mo kahit noon pa, hindi naging factor sa akin yung pera tsaka ’yung itsura. It’s really how makes me feel. ‘Yung magic!

B: May dream wedding ka ba?
RR: Wala, kasi parang balak kong magpakasal 35, e. Tingin ko naman, saktong-sakto lang ‘yun!

B: Hindi kaya mahirapan ka nang magbuntis at manganak kapag 35 ka nang nag-asawa?
RR: Hindi. Gusto ko lang kasing mag-adopt, e. Hahahaha! Ang dami kong palusot, ‘no? Pansin mo! Gusto ko talagang mag-ampon, sa totoo, lang, honest. Kasi  ang dami-daming mga bata na walang parents, di ba? ’Yung mga abandoned kids. Ang daming bata diyan na kailangan ng mommy, di ba? So, gusto kong maging mommy nila.

B: E, yung sarili mong baby? Ayaw mo?
RR: Ewan ko, para sa akin kasi, hindi importante sa akin kung ilong ko, mata ko, lips ko, basta ang mahalaga, ituring mo silang anak mo talaga. Pero honest, gusto ko dalawang anak lang.

B: Sino ang top three sexy male celebrities mo?
RR: Dingdong Dantes, the third sexiest man in the world! Second, John Lloyd Cruz, dahil…crazy amount of talent and…puwedeng si Aga Muhlach? You know kasi, kahit nandu’n na siya sa level na ‘yun, wala, e, Aga Muhlach pa rin ‘yun, e.

B: Big stars na gusto mong makasama sa isang bonggang-bonggang project?
RR: Of course, si Aga Muhlach nga, ultimate dream, si Anne Curtis type ko rin, and Mr. Eddie Garcia, nakatrabaho ko na siya (La Lola), pero gusto ko uli siyang makasama. Ang saya niyang katrabaho! Ibang klase.

B: Kung hindi ka artista, ano kaya ang ginagawa mo ngayon?
RR:Child phychologist. Hindi pa ako nagka-college. Gusto kong mag-take ng Psychology, but not now, I don’t have the freedom to do that ngayon.

B: Gusto mo rin bang mag-pose sa men’s magazine?
RR: I don’t know. Kaya kong mag-pose ng sexy, pero hindi siguro sa men’s magazine. Actually, sa akin, hindi issue ‘yung magpakita ng skin, hindi ‘yun ang issue ko, yung problema ko, bakit ako magpapakita ng skin? So, depende sa dahilan, for example, kung underwear model ka naman, you need to wear siyempre kung ano yung ine-endorse mo. Tsaka, galing naman ako sa world of modeling, kaya alam ko ‘yung sistema. Pero ‘yung basta maghuhubad ka lang nang wala namang maganda o concrete reason, hindi na lang.

B: Mainitin ba ang ulo mo? Ano ang usually na ikinagagalit mo?
RR: Kapag tinatanong ko tapos hindi sumasagot. Di ba nakakainis ‘yun. Parang pag sinabi mong, ‘Uy, kumain ka na ba? Kumain ka na ba? Kumain ka na baaa? Okay, fine. Bahala ka ayaw mong sumagot, di huwag. Ako kakain ako!’ ‘Yung ganu’n. Ganu’n ako kabilis mainis. Mabilis akong magalit, pero mabilis ding mawala.
Kunwari, ngayon, sabihin ko, okay, fine. Bahala ka sa buhay mo. Mag-isa ka diyan, ang arte-arte mo! Tandaan mo ‘yan, ha! Kasalanan mo ‘yan. Tapos titigil ako. Then, maya-maya, kakausapin na uli kita na parang wala lang.

B: Kailan ka huling umiyak?
RR: Kaninang umaga, kasi akala ko mamamatay na ‘ko. Pauwi na ako, nasa kotse ako, iyak ako nang iyak. Tapos paghiga ko sa kama, nakatulala lang ako. Kasi, nadadala ko talaga ‘minsan yung mga eksenang ginawa ko sa Stairway… Akala ko talaga may cancer ako at mabubulag na ako. Ganu’n ang nangyayari sa akin kapag masyadong mabigat ‘yung mga eksenang ginawa ko. Hanggang sa pag-uwi dala ko ‘yung bigat ng role.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

—interview ni eas
BANDERA Entertainment, 120109

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending