Kris, Willie may nilulutong bagong tv show; aprubahan na kaya ng GMA?
HER gut feel otherwise says that Kris Aquino’s glory days on TV are a thing of the past.
Ayon mismo kay Tita Cristy Fermin, malakas ang kanyang kutob na merong programang niluluto sina Kris at Willie Revillame. Hindi ngayon at naudlot ang dapat sana’y grand welcome kay Kris last month sa Wowowin —blame it on an “unseen hand” that got in the way—ay wala na siyang babalikan pang career sa TV.
Curious and intrigued, tinanong namin si CSF kung ano ang posibleng format ng Kris-Willie show. To begin with, it can never be a game show dahil it will only duplicate Wowowin.
Ani CSF, puwedeng hodgepodge ‘yon, a mix of genres na puwedeng sahugan ng cooking segment (after all, Kris is a kitchen master herself), maaari rin bang mawala ang talk where Kris shines the brightest?
Pero sa kabuuan, magkaroon man ng sari-saring segments—with either or both of them taking the helm—ay isa lang ang tiyak: may puso ang programang ‘yon.
A non-politico, matagal nang public service-oriented ang imahe ni Willie, at dito marahil ihahapay si Kris to endear herself to the hoi polloi from whom she has alienated herself.
Magpapaka-devil’s advocate lang kami. Pero anumang ganda ng pagsasamahan nilang show—from format to flow—kailangan pa ring makuha nina Kris at Willie ang thumbs up from the management.
Hindi lang naman kasi si Willie ang may final say, it’s not Willie who calls the shots.
Pero kung kami ang pamunuan ng GMA, we will give Kris a chance to prove herself. If it’s deemed as a high risk, isusugal namin ang pagkakataong ‘yon as it might churn out a favorable result na pare-pareho rin silang maki-kinabang.
Who knows, it’ll be worth the try?
q q q
Proud five-time dad ang Facebook aura these days ng multi-slashie kumpare-friend naming si Ogie Diaz.
Todo-ngiti ang artist ma-nager/comedian/author habang karga-karga niya ang kanyang ikalimang supling na pinangalanan nila ng kanyang asawang si Georgette ng Meera Khel, obviously from the word “miracle.”
Why the christened name is simply an act of God. May kung ano kasing disorder ang noo’y newborn child at kinailangan itong i-incubate sa loob ng ilang buwan.
Hindi birong ordeal ang sinuong ng kanilang baby, na ang gastusin habang nagpapagaling ito’y isa ring ordeal na pinagdaanan ng buong Pandaan (Ogie’s real last name) family.
Pasalamat nga si Ogie noon na marami siyang raket, bawat kinikita niya kasi ay diretsong pambayad agad sa ospital. Huwag lang siyang kumita nang konti ay nakalaan na ‘yon to defray his hospital bills na hindi na namin babanggitin kung magkano ang inabot.
Meera is the fifth daughter of Ogie, hindi pa siya nakakalalaki.
Kapaniwalaan na kapag babae raw ang anak ng isang ama ay pambayad-utang ‘yon sa mga kalokohan nito tulad ng pambababae o pangangaliwa sa kanyang misis.
Obviously, Ogie is an exception to this rule (or superstitious belief?) bagkus ang limang Maryang ‘yon ang tubo sa kanyang mga pautang sa buhay.
Life may be short but it is fruitful.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.