Bagyo palabas ng PAR | Bandera

Bagyo palabas ng PAR

Leifbilly Begas - November 01, 2017 - 03:13 PM

 Inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Ramil bukas ng gabi (Huwebes) o sa Biyernes ng umaga.     Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration magdadala ng pag-ulan ang bagyo sa malaking bahagi ng bansa.     Kahapon ng hapon ang mata ng bagyo ay nasa layong 80 kilometro sa timog silangan ng Coron, Palawan.     Mayroon itong hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong umabot sa 70 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras patungong kanluran.       Itinaas ng PAGASA ang tropical cyclone warning signal no. 1 kahapon hilagang bahagi ng Palawan kasama na ang Calamian group of islands, kanlurang bahagi ng Occidental Mindoro at katimugang bahagi ng Oriental Mindoro at Semirara Island sa Antique.     Bukod sa mga lugar na may TCWS magiging maulan din sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Bicol Region, iba pang bahagi ng Mimaropa, at lalawigan ng Quirino, Nueva Vizcaya at Pangasinan.       Nagbabala ang PAGASA na posibleng magdulot ng flash flood at landslide ang pag-ulan na dulot ng bagyo.     Ngayong umaga ang bagyo ay inaasahang nasa layong 425 kilometro sa Coron Palawan at bukas sa layong 160 kilometro sa Pagasa Island sa Palawan, labas ng PAR. 30

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending