4 patay sa 2 aksidente sa  Quezon  | Bandera

4 patay sa 2 aksidente sa  Quezon 

- October 31, 2017 - 05:29 PM

APAT ang patay, kabilang na ang dalawang pedestrian, isang motorcycle rider at isang driver ng kotse sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa Quezon kamakalawa, ayon sa pulisya.
Sinabi ni Senior Insp. Jun Balilo, Macalelon town police chief, na minamaneho ni Medardo Valdez Jr., 21, ang kanyang motorsiklo, kasama ang pasaherong si Lolito Quitana, 17, sa kahabaan ng Bondoc Peninsula highway nang masagasaan ang mga biktimang sina Jun-Jun Tan, 36, at Jerry Pereyra, 50, na kapwa naglalakad sa Barangay Taguin, Macalelon ganap na alas-8 ng gabi.
Idinagdag ng pulisya na namatay sina Valdez, Tan at Pereyra habang dinadala sa Gumaca hospital at Rural Health Unit sa Macalelon, samantalang sugatan naman si Quitana.

“The pedestrians were really hit hard by the motorcycle,” sabi ni Balilo.
Ani Balilo nakainom si Valdez nang mangyari ang aksidente.
Sa Lucena City, dead on the spot ang isang driver ng kotse nang bumangga sa isang trailer truck na papuntang Bicol sa tulay sa kahabaan ng diversion road sa Barangay Ibabang Dupay ganap na alas-6:30 ng umaga.
Batay sa police report, minamaneho ni Aljohn Goce, 22, ang Mitsubishi Lancer nang biglang banggain ang paparating na cargo trailer na minamaneho ng isang Ruel Orendain.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending