Ulyanin na ba si Ombudsman Morales? | Bandera

Ulyanin na ba si Ombudsman Morales?

Ramon Tulfo - October 31, 2017 - 12:17 AM

NAGING ulyanin na ba si Ombudsman Conchita Carpio-Morales, o hindi lang siya nagbabasa ng diyaryo kaya’t nakaligtaan niya ang balita tungkol sa P50-milyong suhol sa dalawang immigration officials noon?
Kung hindi, bakit niya isinama si Wally Sombero sa kasong plunder sa much-publicized bribery scandal na nangyari sa City of Dreams casino?
Si Sombero ay mensahero lamang ng casino mogul na si Jack Lam sa pagsuhol sa dalawang deputy commissioners na sina Michael Robles at Al Argosino.
Tama lang na kasuhan sina Robles at Argosino ng plunder.
Pero ang pagsampa ng plunder kay Sombero ay nakakatawa.
It’s like shooting the messenger of bad news.
Nasa ibang bansa na si Sombero nang magpasya siya na bumalik ng Pilipinas upang ilantad ang corruption na ginawa ng dalawang immigration officials.
Ang kanyang pahayag sa inyong lingkod tungkol sa bribery ay nauwi sa Senate hearing at imbestigasyon ng Office of the Ombudsman.
Kung wala si Sombero, hindi malalantad ang dalawang opisyal.
Tumestigo pa nga si Sombero laban kina Robles at Argosino at nilabas pa ang video ng pagtanggap nila ng kahon-kahong pera sa loob ng City of Dreams casino.
Dahil wala akong makitang dahilan kung bakit siya sinampahan ng plunder ni Ombudsman Morales.
Ang kasong dapat isampa kay Sombero ay corruption of public official.
Pero dapat ay isali rin si Jack Lam bilang principal dahil ang pera ay nanggaling sa kanya.
***
Dahil si Robles at Argosino ay di nakaligtas sa kasong plunder na gustong gawin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, maaaring magsasalita na sila tungkol sa buong pangyayari.
Inasahan kasi ng dalawang immigration officials na sasaluhin sila ng kanilang fraternity “brod”at dating boss sa Department of Justice, pero hindi nagawa ni Aguirre yun.
Sinabi ni Aguirre sa mga senador na nagtanong tungkol sa kaso nina Argosino at Robles na bribery lang ang ikakaso sa kanila at hindi plunder.
Ang bribery ay may piyansa, pero ang plunder ay wala.
Sinasabi ng mga taga Lopez, Quezon, hometown ni Argosino na sumunod lang si Al sa mga nakatataas sa kanya.
“Napag-utusan lang ang batang yan,” sabi ng isang taga Lopez.
Pumanaw ang tatay ni Al, si Atty. Alberto Argosino, retired clerk of court ng Gumaca, Quezon, dahil daw sa kahihiyan na naidulot sa pamilya Argosino.
**
Panahon na siguro upang palayasin ni Pangulong Digong si Aguirre sa puwesto.
Marami-rami na ring kapalpakang ginawa itong si Aguirre bilang justice secretary.
Andiyan yung nagbibigay siya ng maling balita sa publiko kaya’t binansagan siya tuloy ng “hari ng fake news.”
Andiyan yung pagbalewala niya sa pagkamatay ni 17-anyos na si Kian Lloyd delos Santos, na napagkamalan ng mga pulis na pusher.
Marami pang ibang mga kapalpakan na ginawa nitong si Aguirre na hindi na mabilang dahil sa dami.
Sabi ni Pangulong Digong, valedictorian si Aguirre sa kanilang klase sa San Beda College of Law.
Oo, valedictorian sa kapalpakan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending