Wish ng mga bashers ni Mariel de Leon: Matalo sana siya sa Miss International! | Bandera

Wish ng mga bashers ni Mariel de Leon: Matalo sana siya sa Miss International!

Cristy Fermin |October 31,2017
facebook
share this

Wish ng mga bashers ni Mariel de Leon: Matalo sana siya sa Miss International!

Cristy Fermin - October 31, 2017 - 12:05 AM

NGAYON pa lang ay parang nahuhulaan na ng mas nakararami kung ano ang magiging kapalaran ng kinatawan ng ating bayan sa nalalapit na Miss International.

Mainit ang dugo ng mga kababayan natin kay Mariel de Leon, dahil du’n ay mukhang pagdadamutan siya ng suporta ng mga naiinis-nagagalit sa kanya, nakakalungkot ngang isipin na ang dami-daming nagwi-wish sa kanyang pagkatalo.

Ngayon lang nangyari ang ganito, palaging matinding suporta ang ibinibigay ng mga Pinoy sa mga nagiging kinatawan natin sa mga international beauty pageants, bukod-tanging kay Mariel de Leon lang nabaligtad ang senaryo.

Hanggang ngayon kasi ay naaalala pa rin ng mga kababayan natin ang pagiging palasawsaw niya sa maraming isyu, may katabilan ang bibig ng beauty queen, hindi pa ‘yun nakakalimutan ng kanyang mga bashers.

Isa sa maraming personalidad na tinatawag na patolah si Mariel de Leon. Kapag may napapanahong kontrobersiya, pang-showbiz man ‘yun o pampulitika, ay siguradong makikihalo si Mariel.

Tuloy ay maraming nagkokomento na malayung-malayo siya sa image ng kanyang mga magulang, sa tagal na nina Christopher de Leon at Sandy Andolong sa showbiz ay walang kinasangkutang negatibong isyu ang mag-asawa, malayung-malayo sa imaheng meron ngayon si Mariel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending