Mariel natakot sa karma kaya nag-sorry kay Catriona | Bandera

Mariel natakot sa karma kaya nag-sorry kay Catriona

Ambet Nabus |April 05,2018
facebook
share this

Mariel natakot sa karma kaya nag-sorry kay Catriona

Ambet Nabus - April 05, 2018 - 12:05 AM


MAS maganda nga namang kopya ng publisidad para kay Mariel de Leon ang makipagbati at humingi ng apology sa mga nasaktang fans ni Binibining Pilipinas-Universe 2018 Catriona Gray.

Although wala na namang isyu at ni hindi nga pinatulan pa ni Catriona ang usapin sa naging komento ni Mariel noon laban sa kanya, kailangang sumagot at bumawi si Mariel dahil siya ang nalalagay sa alanganin.

Mariel knows na hindi na niya panahon as a beauty queen contestant kaya’t mas bongga kung magpapaka-nice na lang siya on anything about Catriona na tunay namang sikat na sikat ngayon.

Sa isang informal survey na isinagawa ng ilang beauty enthusiasts, number one ngayon si Catriona among beauty title holders pagdating sa pagiging “most in demand” at “most sought after,” sa lahat ng platform ng media.

Kaya kesa naman malait at manega nang todo si Mariel gaya ng nangyari kina Maggie Wislon at Bea Rose Santiago, mas pinili niyang maging positive na lang at kumampi kay Catriona dahil mas gusto niyang magpatuloy ang karir niya lalo pa’t opisyal na rin niyang pinasok ang pag-aartista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending