1 patay, 1 pa sugatan matapos ang banggaan ng 2 motorsiklo sa Bohol  | Bandera

1 patay, 1 pa sugatan matapos ang banggaan ng 2 motorsiklo sa Bohol 

- October 30, 2017 - 02:25 PM

ISA ang patay, samantalang sugatan naman ang isa pa matapos magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Tagbilaran City, Bohol, Linggo ng gabi.

Kinilala ng mga otoridad ang nasawi na si Jonathan Milla, 39, ng Habitat Village sa Barangay Bool, Tagbilaran City.

Pauwi na si Milla  sa kanyang bahay mula sa  city proper pasado alas-9 ng gabi nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isa pang motorsiklo na minamaneho ni Bryan Daero, 20, ng bayan Valencia, Bohol.

Papunta ang dalawang motorsiklo sa magkabilang direksyon sa kahabaang VP Inting ave. sa  Barangay Poblacion 1  nang mangyari ang aksidente.

Rumesponde ang mga personnel ng TARSIER 117, emergency response unit ng Bohol sa insidente at dinala ang mga biktima sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital kung saan nalagutan ng hininga si Milla dahil sa mga tinamong mga pinsala.

Patuloy namang ginagamot si Daero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending