SA gitna ng mga balitang may balak siyang tumakbo sa pagka-senador sa 2019 midterm elections, klinaro ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na malabo pa kung ano nasa hinaharap niya.
Hirit pa ng gobernadora, hindi pa ito napag-uusapan na kanilang pamilya, na nakatutok pa sa electoral protest ng utol niyang si Bongbong sa Supreme Court.
Kabilang si Imee sa all-girl lineup para sa 2019 election, kabilang sina Sen. Cynthia Villar, Sen. Nancy Binay, Sen. Grace Poe, Rep. Pia Cayetano, Davao City Mayor Sara Duterte, at broadcast journalist na sina Karen Davila at Jessica Soho, na itinutulak ng ilang grupo.
“If ever I run for any office, pag-uusapan pa sa pamilya, but as of now, we haven’t talked about it,” aniya. (Pero) hindi pa namin alam kung ano ang plano. Nakapokus lahat doon sa kaso ni Bongbong. Iyon ang pinakamahalaga,” aniya
Parang sinasabi ni imee na di pa siya ready na mag-commit kung tatakbo o hindi, di ba?
Pero ang mas mahalagang tanong: Ready na ba ang mga Pinoy na iluklok sa Senado ang isa pang Marcos?
Kung ang mga kaaway ng kanilang pamilya ang tatanungin ay tiyak ang isasagot ng mga iyon: Kailangan niyang harapin ang mga umano’y kasalanan ng ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos noong panahon ng martial law.
Ganoon din siyempre ang sagot ng ilang politiko na tinatarget din ang Senado: Kailangan niyang harapin ang mga akusasyon ng maling paggamit sa excise tax sa kanyang probinsya.
Pero nang tanungin ang kanyang utol na si BBM, ang sagot nito: “She’d make a great senator. Imee is very, very, very competent. Kayang-kaya niya.”
Kung tatanungin mo rin ang mga taga-Ilocos, tiyak ang isasagot nila sa iyo ay “Paoay po kumakaway kaya pumalo sa 2.031,884 ang bumisita sa probinsya noong 2016 kumpara sa mahigit 200K lang noong 2012. At noon lang Holy Week ay umabot sa 472,989 ang bumisita sa amin.”
At kung ang tatanungin mo ang loyalist ni Imee, siyempre ang iyayabang nila ay “Nasa 15 porsyento lamang ang poverty incidence sa mga pamilya sa probinsya, mas mababa kumpara sa 21.6 na national average noong 2015. Tinatayang nasa P18 bilyon ang remittance inflow namin kada taon. At bongga rin na nasa 16.7 percent ang growth ng ekonomiya ng Ilocos Norte, kumpara sa 5.7 regional growth at 6.3 nationally.
Kung Ikaw ang tatanungin, Imee sa Senate: payag ka o hindi?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.