True ba, DAIANA MENEZES bungangera at palamura kaya inaaway ng asawa? | Bandera

True ba, DAIANA MENEZES bungangera at palamura kaya inaaway ng asawa?

Jobert Sucaldito - June 16, 2013 - 04:00 PM


ISA sa top of the news ngayon ang sexy star na si Daiana Menezes dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan niya involving domestic violence. Recently kasi ay naging sunud-sunod ang message niya sa Twitter – sensitive issues like violence against women, rape, sexual exploitation and the like – na naranasan diumano niya sa kamay ng isang tao na pinaniniwalaan namang si outgoing Cagayan de Oro Cong. Benjo Benaldo na matagal nang karelasyon ni Daiana.

Sa tono ng mga tweet ni Daiana, para siyang nanghihingi ng saklolo sa mga nakakabasa – unti-unti niya itong ipinaramdam sa Twitter na parang nagiging helpless na siya sa kanyang kundisyon. Meron pa raw itong ipinakitang hiwa sa bandang wrist as one of the signs na siya’y sinasaktan ng kung sinumang lalaking kanyang tinutukoy. Meron daw siyang witness sa lahat ng mga pangyayaring ito pero seems like nabayaran daw ang witness niya para manahimik.

Mabigat ang mga bintang ng Brazilian starlet na ito. Many were alarmed and looks like nalagay sa hot water ang alleged culprit. But the very next day after everything was published, Cong. Benaldo immediately aired his side sa media that everything’s okay na between him and Daiana, na nagkaayos na sila. Nag-apologize na raw siya at tinanggap na raw ito ni Daiana.

Sinabi rin ni Cong. Benaldo na kasal na sila ni Daiana in civil rights sa Las Vegas and are preparing for their religious wedding in the future. “What a bright move for Cong. Benaldo indeed! Alam siguro niya na mapapahamak siya, ang kanyang buong pagkatao at political career sa mga bintang ni Daiana. Kasi nga, pag pumasok na ang iba’t ibang investigating bodies lalo na ang mga women’s group na very aggressive pa naman sa ganitong mga uri ng kaso. Patay talaga si Cong. Benaldo kung hindi niya ito naayos.

“Pero wait lang, it’s just Cong. Benjo Benaldo talking, what about Daiana? Where is she now? Bakit biglang natahimik? Bakit wala tayong naririnig sa kanya kung totoong napatawad na nga niya ang asawa niya? Kahit sa Twitter dedma siya. Ano na ba talaga ang nangyari? Paano sila nag-usap? Bakit kaybilis?

“Kasi nga, di ba normal sa ating mga tao, yung ganoon katinding problema at galit sa partner ay hindi agad-agad nasosolb, it takes a certain amount of time para maayos pero bakit itong sa kanila ay naayos nang overnight lang. And why the sudden silence from Daiana? Where is she now?” tanong sa amin ng isang  lawyer.

Oo nga, ‘no? Nasaan na ang babaeng sumisigaw ng rape at violence against women named Diana Menezes? She has to come out and speak now. She involved the public with this domestic mess kaya marapat lamang na magsalita siya this time para hindi naka-hang ang lahat.

“Minsan, unfair din talaga sa lalaki ang ganitong issues. Kasi nga, depende rin sa kultura natin iyan eh. Tulad sa ating mga Pinoy, hindi ko lang alam kung napagtibay na ba ng batas natin ang puwedeng kasuhan ng rape ang isang lalaking namimilit ng sex sa kanyang asawa,” tanong ng isang kausap namin.

“Kasi sa Amerika, puwede yung ganoon. You cannot force a woman to have sex with you kung against sa will nito. Pero dito sa atin, ewan ko lang kung ganoon na rin. Very light kasi nating tinatrato ang ganitong scenario. Madaling kasuhan ang lalaki sa ganitong sitwasyon. Pero what if ang lalaki naman ang wala sa mood at pilit na kinakalabit ng babae, puwede rin bang kasuhan ng rape ang girl?

“And wait, this could be very unfair din sa kababayan nating si Cong. Benaldo if at any case ay gumawa-gawa lang ng kuwento si Daiana. Huwag nating kalimutang Brazilian ang babaeng ito at iba ang ugali niyan. Ilang beses ko nang na-encounter iyan, bungagera iyan. Kung magmura, wagas na wagas. Maingay and at times very insulting sa mga lalaki.

“Kung naalala n’yo pa, hindi siya nakayanan ng dating boyfriend niyang si direk GB Sampedro noon dahil talagang in-under niya yung tao. “Kahit sa restaurants ay napapahiya noon si GB, masyado kasing malakas ang boses ni Daiana. Hindi kaya na-provoke lang si Cong. Benaldo kaya niya siguro nasasaktan ang asawa niya at times? Puwede yung ganoon, eh,” ang pag-analisa pa ng aming kausap.

“Daiana must surface now. She has to say her final piece. Or if not, puwede siyang ma-deport kung tutuusin dahil hindi naman siya talaga citizen ng Pilipinas, she is just here sa bisa ng kanyang working visa. Mahirap din palang magkasyota ng isang Brazilian woman. Mabuti na lang tayong mga bading, we don’t like Brazilian women, we want men, di ba? Ha-hahaha!” litanya naman ng isang baklush friend namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang pahinang ito sa side ng dalawang subjects natin. We have to give them equal space. Kasi nga, kung iginagalang natin ang babae sa ganitong sitwasyon, dapat irespeto rin natin ang lalaki.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending