Mikee Quintos: Nakakahawa ang galing ni Mr. Dingdong Dantes!
IBINAHAGI ni Mikee Quintos sa kanyang followers kung ano ang naging impact ng Alyas Robin Hood sa kanya. Dahil sa role na ginampanan niya sa serye, na-realize niyang malaki ang pwedeng maging bahagi nito buhay ng bawat manonood.
“I realized how much responsibilities this job can demand from us. Whenever I portray a role, fictional or not, my work will always impact each viewer differently, but it’s also within those few seconds on screen that give me a chance to touch your lives as well as my own,” sabi pa ni Mikee.
Nagpasalamat siya sa mga patuloy na nanonood sa serye at dahil daw dito ay mas ginaganahan siyang galingan ang bawat performance. Nagpapasalamat din siya kay Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes dahil napakarami niyang natututunan sa aktor.
Bilib na bilib din siya sa mister ni Marian Rivera dahil sa matinding dedication at pagmamahal nito sa kanyang trabaho kaya naman lahat sila sa set ng ARH 2 ay nahahawa sa propesyonalismo nito.
Samantala, sa pagkamatay ni Iking (Kiko Estrada), nagdesisyon na si Pepe (Dindong) na bumalik bilang si Alyas Robin Hood. Kasabay nito ang pagkakahanap ni Venus (Andrea Torres) sa nanay ni Pepe na si Judy (Jaclyn Jose).
Pero mukhang malalagay siya sa alanganin kung hindi siya mag-iingat.
Exciting na ang mga susunod na episodes dahil matapos balutin ng matinding lungkot at pangungulila sa pamilya, handa na muling lumaban si Pepe bilang Alyas Robin Hood at ipagtanggol ang mga naaapi.
Napapanood pa rin ang ARH2 sa GMA Telebabad pagkatapos ng Super Ma’am. Kasama pa rin dito sina Edu Manzano, Jay Manalo, KC Montero, Solenn Heussaff, Ruru Madrid at marami pang iba, sa direksyon ni Dominic Zapata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.