Eastern Mindanao naghanda sa pagganti ng ISIS sympathizers | Bandera

Eastern Mindanao naghanda sa pagganti ng ISIS sympathizers

John Roson - October 17, 2017 - 06:21 PM
Inatasan ng pamunuan ng militar sa Eastern Mindanao ang lahat ng unit nito na magtaas ng alerto matapos mapatay ang mga terrorist leader na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute sa Marawi City. Ito ay para mapigilan ang posibleng pagganti sa mga nakikisimpatiya sa Maute-ISIS group, sabi ni Maj. Ezra Balagtey, tagapagsalita ng AFP Eastern Mindanao Command. Ibinigay ni Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero, hepe ng Eastmincom, ang direktiba nang makipagpulong sa mga ground commander sa Davao City nitong Lunes, ilang oras matapos mapatay sina Hapilon at Maute. Sa pulong, binigyang-diin ni Guerrero na kailangang palakasin ang border security upang mapigilan ang mga terorista sa pagpasok sa rehiyon, ani Balagtey. Ang Marawi ang kabisera ng Lanao del Sur na may boundary sa lalawigan ng Bukidnon, na nagsisilbing daan patungo sa Cagayan de Oro City. May malawak ding boundary ang Lanao del Sur at Lanao del Norte na ang kabisera’y Iligan City, at may mga kalsadang umaabot hanggang sa mga malalaking lungsod gaya ng General Santos City at Davao City. Ang mga naturang lungsod ay dati nang pinuntirya ng mga pag-atake ng terorista, na ang ila’y mula pa sa Basilan at Sulu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending