Ang Driver na BF na ba ang magkakatuluyan? | Bandera

Ang Driver na BF na ba ang magkakatuluyan?

Joseph Greenfield - October 15, 2017 - 03:26 PM

Sulat mula kay Geraldine ng Anabu, Imus, Cavite
Dear Sir Greenfield,
May boyfriend po ako sa ngayon mahal na mahal ko siya ang problema hindi po sa kanya boto ang mga magulang ko dahil tapos po ako ng kolehiyo at may magandang trabaho sa ngayon, samantalang ang boyfriend ko ay isang driver lang ng pampasaherong dyip, kaya nilalait po siya ng mga magulang ko at kamag anak. Ang tanong ko po compatible ba kami at kami na kaya ang magkakatuluyan kahit tutol ang mga magulang ko sa kanya? May pag-asa kaya na magkaroon siya ng matino o magandang trabaho, para payagan na ang relasyon namin ng mga magulang ko? August 20, 1992 ang birthday ko at December 7, 1990 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Geraldine ng Cavite
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wala namang problema kahit na tutol ang mga magulang mo sa pagmamahalan ninyo ng boyfriend mong driver dahil kitang-kitang iisa lang naman ang Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung sino ang magiging first boyfriend mo, malaki ang tsansa na siya na rin ang makakatuluyan mo at makakasam sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Nine of Diamonds, Ten of Hearts, at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa ngayon ay mapera ka naman, kaya kung kayo ang magkakatuluyan ng boyfriend mong driver at hindi masaya ang mga magulang mo sa kanyang hanap-buhay, dahil nilalait siya dahil mahirap lang sila, pupuwede naman kayong magnegosyo at magpayaman.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending