Boy ‘Chi’ as in Boy “Chibog” ng Palasyo | Bandera

Boy ‘Chi’ as in Boy “Chibog” ng Palasyo

Bella Cariaso - June 16, 2013 - 02:05 PM

KAKAIBANG magutom ang isang Cabinet Secretary. Wala siyang paki kahit kumain siyang mag-isa kahit pa nagpe-presscon si Pangulong Aquino.
Kamakailan lang sa pagbisita ni Aquino sa Myanmar para dumalo sa World Economic Forum, ilang oras lang ang itinagal niya sa bansa at babalik din agad ng gabing iyon. Natural, wala nang panahon pang kumain ang grupo at sa eroplano na lang maghahapunan habang pabalik sa bansa.
Gutom ang lahat, maliban sa isa!
Keber na lang nitong Kalihim na ito na magutom ang kanyang mga kasamahan, basta siya ay kailangan makakain.
Bukod-tangi ang kalihim na ito umupo sa mesa at kumain.  Gutom na gutom! At tuluy-tuloy ang subo niya ng pansit ng Myanmar kahit nagpe-presscon si Aquino sa harap ng local at foreign press people.
May pagkakataon pa nga na may tinanong pa ang pangulo sa bida nating opisyal. Bagamat sumagot, tuloy pa rin ang kain ni Kalihim.
Maririnig pa nga ang ingay ng kanyang ginagamit na kubyertos sa background habang nagsasalita ang kanyang bosing.
Ang siste nang matapos ang presscon at umalis na si Pangulong Aquino, tuloy pa rin ang kain ni Kalihim. Nakaalis na ang mga opisyal at miyembro ng PSG sa venue, siya ang tanging naiwan.
Dahil kasama siya ni Pangulong Aquino sa eroplano pabalik ng Pilipinas, nilapitan siya ng kanyang anak na kasama rin sa delegasyon at binulungan na kailangan na nilang umalis dahil maiiwan na sila ng convoy.
Dedma pa rin ang matakaw na opisyal. Mabuti na lamang sa paglabas ni Aquino sa venue ay nakasalubong niya si dating British Prime Minister Tony Blair at nakipagkwentuhan ng konti kaya’t na-delay ang kanilang pag-alis….at nakasabay pa rin ang matakaw na opisyal.
Sino ba itong kalihim na ito na tila ginugutom ni PNoy? Sa kanyang departamento nagmumula ang pondo para sa pangkain sana ng delegasyon.
>>>
Da who rin itong isa pang opsiyal ng gobyerno na tinagurian nang diktador dahil sa kanyang mga polisiya.
Inirereklamo siya ng mga maliliit na negosyante at nang mga accountants dahil sa kanyang utos hinggil sa pagpapalit ng mga ginagamit na official receipts (OR). Reklamo ng mga negosyanteng maliliit, kailangan na naman nilang palitan ang mga OR kahit marami pang nakaimprenta. Hindi ba naiisip ng opisyal na ito na ang maliliit na negosyante ang unang tatamaan ng kanyang kautusan.
Sabi tuloy ng mga nagrereklamo, sayang ang mga hindi pa nagagamit na OR, bukod pa sa magastos ang pagpapagawa ng mga bagong OR. Marami na rin ang nagrereklamo kung bakit ang maliliit na negosyante lang ang tinatarget ng kampanya ng opisyal na ito, gayong napakaraming negosyante ang hindi nagbabayad ng tamang buwis lalu na ang mga may-ari ng mga stalls sa mga malls sa Divisoria at Binondo na pawang hindi nagbibigay ng resibo.
Subukan sanang mag-ikot ng opisyal na ito at hindi lamang puro utos ang ginagawa para malaman kung gaano katalamak pa rin ang hindi pagbabayad ng buwis ng maraming negosyante. Malakas din kasi ang opisyal na ito  kay Pangulong Aquino kayat hindi masita sa pagiging diktador nito.

(Editor:  Para sa komento at reaksyon, i-text ang TROPA, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending