DEAR Ateng Beth,
May gusto lang po akong i-consult sa inyo. Matagal na kasi akong binabagabag ng konsensiya ko. Iniwan ko po ang mag-iina ko may dalawang taon na. Di ko sila inuwian. From Saudi at pag-uwi sa Pilipinas, doon ako sa kinakasama ko tumuloy. Sabi ko sa kanila, nawalan ako ng trabaho sa Saudi kaya di na ako makakapagpadala ng sustento. Two years na akong walang contact sa kanila. Pero lately naaalala ko sila at naisip ko na balikan sila. Natatakot lang ako sa madadatnan ko. Paano kung may ibang asawa na ang misis ko at naka-move on na sila? O paano kaya kung di nila ako tanggapin sakaling bumalik na nga ako? Anong gagawin ko?
Norman, Tarlac City
Hello Norman,
Aminin natin na talagang mahirap patawarin ang ginawa mo sa iyong pamilya. So, siguro mabuti na ring isipin na naka-move on na rin naman si misis. Alangan naman ikaw lang magpasarap, di ba? Ikaw na nga ang nang iwan, no?
Pero mas mabuti pa ring magkausap kayo ni misis for the sake of closure kung sakali mang masaya na siya ulit ngayon. Mag-usap kayo at magpaliwanag ka. Ang totoong nangyari at totoong kasakiman mo. Tanggapin mo ang galit at masasakit na sasabihin niya. At igalang ang magiging pasya niya.
Kung palayuin ka sa mga anak ninyo, kasalanan mo iyon. Gawin mo ang kung ano mang makakagaan sa kanila katulad ng pagsusustento mo ulit sa kanya at sa mga anak ninyo.
Kung hindi ka tanggapin, i-accept mo ang consequence na iyon, pero pwedeng magsumikap to win them back. Sakaling pwede ka pang bumalik, manligaw ka ulit. Kung baga, “magbayad utang” ka muna. Hindi pwedeng basta ka na lang uli susulpot sa buhay nila at gusto mo balik sa dati na parang walang nangyari. Ano ka, hilo?
Pagtiyagaan at pagsumikapan mo ulit ang pagbabalik mo sa buhay nila.
At huwag nang ulitin ang kahangalang ito!
May tanong o problema ka ba na nais mong isangguni kay Ateng Beth? I-text na 09156414963
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.