Super ambisyoso si Manong | Bandera

Super ambisyoso si Manong

Den Macaranas - October 13, 2017 - 12:10 AM

HANGGA’T maaari ay ayaw ng isang sikat na rin naman na politiko na palutangin ang kanyang ambisyon na maging senador.

Ang kanyang katwiran kasi ay tiyak na puputaktihin siya ng mga taong hihingi ng kung anu-anong mga pabor kapalit ng suporta pagsapit ng eleksyon.

Kilala kasi na medyo makunat si Manong na galing sa isang lalawigan sa Luzon.

Pero bago ang pagpapalutang sa kanyang pangalan na posibleng tumakbo sa Senado ay nauna na itong nagparamdam ng ambisyon na maging Ombudsman.

Sakaling siya nga naman ang maging Ombudsman ay tiyak na ang magandang posisyon sa pamahalaan na may fixed term na halos kasabay ng Pangulo na kanya namang kaalyado.

Isa rin sa kanyang opsyon ay ang pagtakbo bilang gobernador sa kanilang lalawigan lalo’t hindi niya kasundo ang dating kaibigan na siyang may hawak ngayon ng pinakamataas na posisyon sa kanilang kapitolyo.

Sinabi ng ilang nakapaligid kay Sir na malaki na ang ipinagbago nito lalo na sa kanyang pag-uugali.

Bakit nga naman hindi, tumatanda na ang ating bida kaya dapat lang na magbago na siya.

Isang bar topnotcher si Sir pero hindi ito alam ng karamihan dahil mas nagmarka ang kanyang kalokohan noong siya ay mas bata pa lalo na nang masangkot siya sa iba’t ibang kontrobersiya pati na ang pananakit sa kanyang dating asawa.

Hindi rin nalilimutan ang iskandalo na kanyang kinasangkutan kasama ang isang dating seksing aktres na ngayon ay matapang na tagasuporta ng kasalukuyang administrasyon.

Kilala rin ang pamilya ni Sir bilang political clan sa kanilang lalawigan dahil sa dami ng kanyang mga kaanak sa lokal na pamahalaan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang bida sa ating kwento ngayong araw na kilalang makunat na politician ay si Mr. R….as in Ruby.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending