Vicki Belo kontrang-kontra sa panggagaya ni Beki Belo | Bandera

Vicki Belo kontrang-kontra sa panggagaya ni Beki Belo

Jobert Sucaldito - October 11, 2017 - 12:05 AM

MAY nagtsika sa akin na ayaw na ayaw daw ni Dra. Vicki Belo sa impersonator niyang stand-up comic na si Beki Belo na napapanood sa Klownz and Zirkoh comedy bars.

Bakit daw kasi ginamit pa ang apelyidong Belo sa screen name ng komedyante na isa sa pinakamahusay na performers sa nasabing comedy bars.

One lazy evening ay sinadya kong puntahan si Dok Beki Belo sa Klownz para tanungin regarding this matter. Nu’ng una, ayaw pang mag-comment ni Dok Beki dahil nahihiya raw siya at baka sabihin ng pamosong doktora na ginagamit niya lang ito para pag-usapan.

“Sa totoo lang, Jodi (Santamaria) ang screen name ko sa comedy bars noon pero pinalitan ng mentor ko before dahil usong-uso that time si Dra. Vicki Belo. Kasi raw, pag wala akong make-up ay hawig ko siya.

Sa amin naman, wala iyon. Gumagaya lang kami kasi nga malalaking names sila sa industry.

“Alam n’yo naman ang mga bading, lahat ng gimik sa buhay ay gagawin para lang mabuhay. Nagkataon lang that I was a fan of Dra. Vicki Belo kaya pumayag akong palitan ang screenname ko.

“Kaya pala nu’ng kinunan ako ni Ms. Jessica Soho sa segment niya noon, hindi lumabas si Dra. Vicki Belo, si Sir Hayden Kho ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam na ayaw sa akin ni Dra. Vicki. Pero deadma lang ako,” paliwanag ng magaling na komedyana.

But you know, for us impersonation nga is the highest form of flattery. Hindi naman binababoy si Dra. Vicki Belo sa mga acts niya. Hindi naman niya inilalagay ang name ng idol niya sa alanganin. Kaya walang dapat ikabahala si Dra. Belo rito lalo pa’t medyo hindi maganda ang health situation nito sa kasalukuyan.

“Narinig ko ngang may sakit daw siya. Kaya I am praying. Seriously, nagdarasal akong malagpasan niya ang pagsubok na dumating sa buhay niya. Hindi ko naman po binababoy ang name niya. Actually, pinupuri ko pa nga siya sa mga acts ko. Pang-comedy lang talaga. At gusto ko ring magpasalamat sa kanya dahil malaking tulong sa career ko ang paggamit sa name niya.

“Nakaipon na ako kahit paano. Sana ay huwag na niyang masamain. Dinig ko kasi, ayaw lang niyang gamitin ang same spelling ng apelyido niya, kaya malamang na magiging Dok Beki na lang ako. Ha! Ha! Ha!” aniya pa sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa totoo lang, mapaliwanagan lang siguro nang husto, Dra. Vicki Belo won’t mind it na rin. Lalo nga siyang sumisikat dahil may gumagaya sa kanya. Ibig sabihin sikat ka kaya may nanggagaya sa iyo. Hayaan mo, pag nakasalubong ko siya one day, i-explain ko sa kaniya. Love namin iyan, ‘no!

Tulad ni Dok Beki na nakaka-tong-its ko minsan, mabait din though nakakabuwisit sa husay sa diskarte. Ito yata ang Belo na pinaglihi sa baraha sa sobrang galing sa tong-its. Kaloka!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending